Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XLVIII
Third Person's POV
"Everly... Mayla."
Napukaw ang kanilang atensyon nang marinig ang seryosong tinig ni Apo Vanya mula sa kanilang likuran. Kasalukuyan silang naglalakad kasama ang iba pang miyembro ng tribo pabalik sa kanilang kuta matapos ang magdamag na selebrasyon.
Bagama't natapos ang pagdiriwang nang payapa, hindi pa rin maalis sa isip ng lahat ang nangyari kina Punong Nymeria, Emris, at sa lalaking gumaling matapos lumusong sa lawa.
"Maaari ba kayong sumama sa akin sa sentrong mansion?" mahinahong tanong ng matanda.
Napalingon si Mayla kay Everly, halatang naguguluhan.
"Gising na si Punong Nymeria." Napasinghap si Mayla sa narinig.
Samantalang si Everly ay nanatiling kalmado. She simply met Apo Vanya's gaze, and the old woman did the same.
She already knew why they were being summoned. It was about last night's miracle.
I didn't expect they'd uncover everything this quickly. Bulong ni Everly sa kanyang isipan.
Tahimik na tumango si Eve. It was only a matter of time.
Kung tutuusin, wala silang dahilan para pigilan ang katotohanan. Ang natuklasan nila ay maaaring magligtas ng hindi mabilang na buhay sa buong Grand Orleas.
"Halina," maikling sabi ni Apo Vanya bago tumalikod. Tahimik silang sumunod.
Pagpasok nila sa sentrong mansion, agad silang sinalubong ng isang mainit na ngiti.
"Maupo kayo, mga iha." Nakaupo si Nymeria sa sahig sa harap ng isang mababang mesa na puno ng iba't ibang halamang gamot, bote ng kakaibang likido, at mga sinaunang kagamitan sa panggagamot.
Everly discreetly observed the room. Unlike the other houses, this place radiated an ancient aura.
Animal bones hung from the wooden walls, dried herbs swayed gently from the ceiling, while countless talismans surrounded the room. It felt sacred... Yet strangely intimidating.
Nararamdaman niyang hinila siya ni Mayla upang maupo sa tabi nito. Nang makaharap nila si Nymeria, napansin agad ni Everly ang pagbabago.
Naroon pa rin ang mga guhit ng katandaan sa mukha nito... ngunit tila ilang taon ang nabawas sa edad ng matanda.
Its complexion looked healthier. Its eyes shone brighter. The healing wasn't limited to the sick man alone.
"Pinatawag ko kayo," malumanay na umpisa ni Nymeria, "dahil may isang bagay akong nais kumpirmahin."
Una nitong tiningnan si Mayla.
"Matagal na naming alam na may dugong diwata na dumadaloy sa iyong katawan." Napakurap si Mayla.
"Ngunit kailanman ay hindi ka namin itinuring na iba. Hindi rin namin hinayaang may makasakit o magsamantala sa iyo." Unti-unting lumawak ang ngiti ng dalaga.
"Isang malaking utang na loob ko po iyon sa inyo, Punong Nymeria." Makikita sa mga mata nito ang taos-pusong pasasalamat.
Pagkatapos ay dahan-dahang bumaling ang matanda kay Everly. At doon pa lamang... Alam na niyang may nalalaman ito.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
