Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XLVI
Third Person's POV
"Let's not ruin tonight's celebration. Go on... continue with the music."
Sa isang utos lamang ni Prince Yophiel, unti-unting nabasag ang mabigat na katahimikan. Muling tumugtog ang musika, nagsibalikan ang tawanan, at tila ba walang inosenteng babae ang kinaladkad palabas ng harapan ng mansion ilang sandali lamang ang nakalipas.
Muli namang hinila ng mga kawal si Everly upang tumayo.
Everly, we should leave.
Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang pinapaalalahanan ni Eve. Ngunit para siyang naging bingi. Wala na siyang lakas para tumakas. Wala na rin siyang pakialam kung ano pa ang mangyari sa kanya.
Tahimik siyang sumunod habang pinapababa siya ng mga kawal sa basement ng mansion.
Hindi niya mapigilang titigan ang likod ng lalaking naglalakad sa unahan nila. The same man who stopped Eduardo from striking her again.
Hindi niya alam kung bakit siya nito pinrotektahan. Maybe he simply pitied her... or perhaps the interrogation waiting ahead would hurt far worse than those slaps.
Either way... pain no longer frightened her. She had grown accustomed to it.
Ilang sandali pa ay ipinasok siya ng mga kawal sa isang malamig na selda. Walang ingat siyang itinulak sa sahig bago isa-isang lumabas ang mga ito, iniwan silang dalawa ng lalaki.
Nanatiling tahimik si Everly habang nakasandal sa pader. Narinig niya ang mabagal na yabag ni Yophiel.
Huminto ito sa harapan niya bago lumuhod sa isang tuhod upang pantayan ang kanyang mukha.
"Now that we're alone..." His voice was no longer playful.
It was serious.
"...tell me who you really are." Naningkit ang mga mata ni Everly.
"Tell me the truth."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Bahagyang ngumiti ang lalaki habang marahang umiling.Para bang alam na nitong nagsisinungaling siya.
Without saying another word, hinugot niya ang kuwintas na nakatago sa ilalim ng kanyang kasuotan.
Agad na napako roon ang tingin ni Everly.
Nakabitin sa gintong kadena ang isang itim na kristal na tila may sariling buhay. Kumikinang iyon sa ilalim ng ilaw habang unti-unting naglalabas ng madilim na enerhiya.
"Do you know what this is?"Umiling lamang siya.
"This is a crystallized Black Water from the Lake of Death."Lalong kumunot ang noo ni Everly.
Hindi man niya kilala ang bagay na iyon, ramdam niya ang nakakakilabot na aura na sumisingaw mula rito.
Everly, we've been caught. Leave. Right now!Halos mapasigaw na si Eve sa loob ng isip niya.
Ngunit nanatili siyang nakaupo.Nais niyang marinig ang susunod nitong sasabihin.
"You seem to be suffering from the infamous cursed disease." Marahan nitong inilapit ang kuwintas.
"But isn't it strange..." His piercing gaze locked onto hers.
"...that you're completely unaffected by this crystal?" Naramdaman ni Everly ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
