I Alpha Douglas downfall I

4.7K 159 11
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!


KABANATA XLII

"There!" Napahinto si Nemya at itinutok ang tingin sa makapal na damuhan. "I can sense a stronger trace of her scent."

Hindi na nag-aksaya ng oras si Rafael at agad tinungo ang direksyong itinuro nito. Pagdating nila roon ay isang piraso ng punit na tela ang bumungad sa kanila.

Mahigpit niya iyong pinulot. Mukhang napunit iyon mula sa damit ni Cimmerian habang dumaraan sa matitinik na halaman ng kagubatan.

"She's really here," bulong niya habang mas humihigpit ang hawak sa tela. Tahimik na tumango si Nemya.

"Malapit na tayo." Muling nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad, pilit sinusundan ang natitirang bakas ng dalaga habang umaasang maaabutan nila itong ligtas.

Samantala, kumikilos na rin ang mga nilalang ng Dark Coven na ipinadala upang tugisin si Cimmerian.

Unlike Rafael and Nemya, they were far more agile and terrifyingly fast. Although mas malayo pa ang kanilang kinaroroonan, mabilis nilang pinapaliit ang pagitan.

"Ah!" Napasigaw si Cimmerian nang muling may insektong dumapo sa kanyang leeg.

She grimaced in disgust while waving her free hand wildly. The torch she carried was attracting countless insects, making every step more unbearable.

Isa iyon sa mga bagay na pinakaayaw niya. She hated the feeling of tiny legs crawling across her skin.

Napabuntong-hininga siya habang naaalala ang komportableng kama sa Woodland Pack, ang mainit na pagkain, at ang mga kasambahay na laging handang alagaan siya.

Everything felt so different now. Kanina pa siya naglakbay sa anyong lobo upang mapabilis ang kanyang paglalakbay.

Unfortunately, sobrang pagod na ng katawan niya para muling magpalit ng anyo. Ngunit wala siyang pinagsisisihan.

Siya mismo ang pumili ng landas na ito. She wanted to prove to her father that women weren't weak.

She would expose his mistakes. At kapag natapos ang lahat... she would replace him as Alpha.

Sisiguraduhin niyang mababago ang hindi patas na pagtrato sa kababaihan sa buong pack. Habang naglalakad ay napansin niyang halos wala nang bituin sa kalangitan.

Makakapal na ulap ang unti-unting lumalamon dito. A loud thunder suddenly echoed.

Napahinto siya.

"It's going to rain..." She looked around. Malayo pa siya sa Darkmoon Port.

Even if she ran at full speed, impossible pa ring makarating siya roon bago sumapit ang madaling-araw.

Hindi pa man siya nakakalayo ay nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. Within seconds, basang-basa na ang kanyang buong katawan.

Mabuti na lamang at may namataan siyang maliit na kuweba ilang metro ang layo.

Agad siyang kumaripas papunta roon habang mahigpit na niyayakap ang bag na naglalaman ng lahat ng mahahalagang gamit niya.

Mas lalong bumaba ang temperatura ng kagubatan habang lumalakas ang ulan.

The freezing wind kept blowing through the cave entrance.

Ilang beses siyang nabigong sindihan ang mga tuyong kahoy hanggang sa tuluyan ding magliyab ang apoy.

Napabuntong-hininga siya. She hugged her trembling body while quietly staring at the dancing flames.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon