Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XXVI
Third Person's POV
Back at the Mansion...
"Everly..."
"...Everly!"
Napabalikwas si Everly mula sa mahimbing na pagkakatulog. Mabilis niyang iminulat ang mga mata at bumungad ang pamilyar na puting kisame ng kanyang silid. Mabigat ang kanyang paghinga habang malamig na pawis ang patuloy na tumutulo sa kanyang noo.
"Ayos ka lang, iha?" nag-aalalang tanong ni Linda.
Mag-aalas siyete na ng gabi nang magpasya itong akyatin siya. Halos buong araw nang nakakulong si Everly sa kanyang kwarto matapos ang nangyari sa kanilang training ni Greyson. Pakiramdam ni Linda ay may hindi magandang nangyari sa pagitan ng dalawa. Maging si Greyson ay hindi na niya nakitang lumabas mula sa sikretong silid ng library simula pa kanina.
Mabuti na lamang at napuntahan niya ang dalaga. Kanina pa ito pabalik-balik sa pag-ungol habang natutulog, tila ba nilalamon ng isang bangungot. Basang-basa ng pawis ang buong katawan nito at halos hindi na magising.
Now that Everly's appearance had returned to its original beautiful features, Linda couldn't ignore how pale her face looked or how cold her skin had become.
"O-Opo... ayos lang po ako," hingal na sagot ni Everly habang pilit kinakalma ang sarili.
It was the same nightmare again.
She was standing inside an unfamiliar forest, her hands soaked with blood. Around her were lifeless bodies, raging flames consuming the trees, and that terrifying dark cooer staring straight into her soul.
"Everly... run away..."
Those haunting words continued to echo inside her mind.
Marahang hinaplos ni Linda ang kanyang likod hanggang sa unti-unting humupa ang mabilis niyang paghinga.
Panaginip lang... panaginip lang iyon, paulit-ulit niyang sambit sa sarili.
Nang tuluyan siyang kumalma, napansin niyang madilim na sa labas. Nang tingnan niya ang kanyang mga kamay, bumalik na muli ang kanyang tunay na anyo. Napabuntong-hininga siya bago muling tumingin kay Linda.
"You're having nightmares again," mahinang komento ng matanda.
"W-Wala po iyon. Siguro... napagod lang talaga ako sa training," pilit niyang dahilan.
Hindi na iyon kinontra ni Linda.
"Hindi ka pa kumakain nang maayos simula kahapon kaya dinalhan na kita ng pagkain. At huwag ka munang lalabas ng kwarto mamayang alas-dose. Sensitive ang alpha sa mga oras na iyon. Mas mabuti nang bukas ka na lang lumabas."
Muling bumalik sa isip ni Everly ang nangyari kaninang umaga. Hanggang ngayon ay wala man lang siyang narinig na paghingi ng tawad mula kay Greyson. He remained distant and emotionless, exactly the way he had always been.
"Naiintindihan ko po."
Tahimik niyang sinimulang kainin ang pagkaing inilapag ni Linda. Ngunit lutang pa rin ang isip niya kaya napadali ang pagsubo sa mainit na sabaw.
"A-Ah!" Agad niya iyong iniluwa habang sunod-sunod na umuubo. Namula ang kanyang dila at labi sa init.
"Heto, tubig." Tinanggap niya ang baso habang pilit pinapalamig ang napasong bibig.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
