I A huge disaster I

5.9K 218 15
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!





KABANATA XXXII

Third Person's POV

Makalipas ang halos kalahating araw na paglalakbay mula sa daungan ng Darkmoon, sa wakas ay ligtas na narating nina Zevian ang Danyir. Nagpahinga muna sila roon upang kumain at makabawi ng lakas. Pagkatapos ng maikling pahinga, agad din silang nagpatuloy sa huling bahagi ng kanilang paglalakbay.

Pagsapit ng hatinggabi, narating nila ang gitnang bahagi ng Central Forest. Dalawang oras na lamang at makakabalik na sila sa Moonstone.

"Chief!" Agad na naging alerto ang buong grupo nang marinig ang sigaw ni Elios mula sa loob ng karwahe. Mabilis na tumakbo si Zevian sa kanyang anyong lobo patungo rito.

Isang mahinang ungol ang pinakawalan niya nang bumukas ang pinto at lumabas si Elios.

"Mukhang hindi natunawan si Tim sa kinain niya kanina," nag-aalalang paliwanag nito.

Kaagad na napunta ang tingin ni Zevian sa survivor na namimilipit sa loob ng karwahe habang hawak-hawak ang tiyan.

"If I'm not mistaken, malapit na tayo sa border ng second district," mahinang sambit ni Crizelle. "May sapa rito na konektado sa Grand Orleas River."

"Tama siya, Chief," dagdag ni Elios. "Naalala ko ang lugar na ito."

Then take him there, utos ni Zevian gamit ang kanilang telepathic link habang nasa anyong lobo.

"M-Maaari po ba kaming sumama?" tanong ng isa pang survivor. "Gusto lang naming tiyaking maayos si Tim... at uminom na rin ng tubig."

Wala nang dahilan si Zevian upang tumanggi. Mukhang pare-pareho ngang sumama ang pakiramdam ng mga ito matapos kumain sa Danyir.

"Go." Tinulungan nilang bumaba si Tim bago sabay-sabay na nagtungo sa direksyon ng umaagos na tubig, ginagabayan ng pambihirang pandinig ng mga lobo.

Nanatiling tahimik sina Zevian at Crizelle habang naghihintay.

Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang babae sa loob ng karwahe. Mukhang nakatulog na ito dahil sa pagod at hindi pa rin ganap na nakakabawi sa mga sugat.

Lumipas ang ilang minuto.

Biglang nabasag ang katahimikan ng kagubatan dahil sa sunod-sunod na sigawan mula sa di kalayuan.

Nanlaki ang mga mata ni Zevian. Boses iyon ng mga survivor.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Sa pinakamabilis na bilis ng kanyang anyong lobo ay tinahak niya ang direksyon ng sapa, hindi na man lang naisip na magbilin sa mga kasamahang naiwan kay Crizelle.

Halos dalawang minuto lamang ang lumipas bago niya marating ang lugar. Tumigil siya.

Nagkalat sa damuhan ang mga katawan. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso habang papalapit.

Nang makita niya ang tunay na nangyari, hindi niya napigilang mapaatras. Mabilis siyang nagbalik sa anyong tao at lumuhod sa tabi ng pinakamalapit na bangkay.

Duguan. Wasak ang dibdib. Hindi iyon gawa ng ordinaryong nilalang.

"Elios!" sigaw niya habang nililibot ang paligid.

Isa-isang pinulsuhan ni Zevian ang mga survivor.

Wala. Lahat sila ay patay na.

Parang biglang nawalan ng saysay ang lahat ng paghihirap nilang mailigtas ang mga ito. For a brief moment, everything finally sank in.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon