I Runa's Blood Origin I

5.6K 184 9
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!






KABANATA XXXIV

Third Person's POV

"Cawk! Cawk!"

Nagliparan ang mga uwak mula sa mga puno nang biglang dumating ang isang Dark Cooer sa lugar kung saan naganap ang labanan ilang minuto bago bumaon ang matutulis na kuko ng halimaw sa katawan ni Crizelle.

Sa pamamagitan ng isinumpang mata ng nilalang na iyon, naging mga mata ni Lady Ganesha ang paningin nito. Isa iyon sa pinakamahalagang kakayahan ng kanyang mga alagang Dark Cooer—ang makita ang anumang nasasaksihan ng mga ito saan mang sulok ng Grand Orleas.

Dahil doon, marami siyang mga matang nakamasid sa iba't ibang lugar. Ilang gabi na ang nakalipas ay nasaksihan din niya ang labanan nina Knox at Everly. Simula nang makita niya ang pambihirang kapangyarihan ng dalaga at ang pamilyar na aurang bumabalot dito, nagsimula na siyang maghinalang ito ang hinahanap nilang nilalang.

Unfortunately, Everly vanished before Ganesha could investigate further. Wala siyang ideya kung saan nagtungo ang babae kaya iniwan niya ang isa sa kanyang mga espiya malapit sa Greyson Mansion, waiting patiently for her return.

Ilang araw ding walang mahalagang nangyari. Batay sa kilos at presensya ni Everly, malinaw na hindi pa ganap na nagigising ang kaluluwa ng Fifth Disciple. Kaya ibinalik muna ni Ganesha ang kanyang atensyon sa pananaliksik tungkol sa ritual para kay Lukariah.

Kung hindi pa siya ginambala ng kanyang mga alaga, hindi niya masasaksihan ang napakalaking labanan sa mansion.

Ngayon, matapos niyang makita nang malinaw ang kapangyarihang ipinamalas ng babaeng nakasuot ng cloak, tuluyan nang nawala ang kanyang pagdududa.

Everly was indeed the next reincarnation of the Fifth Disciple.

Ang nilalang na daan-daang taon nilang hinihintay na muling magpakita.

A faint smile formed on Ganesha's lips. The timing couldn't have been more perfect.

Kung ang kapangyarihan ng Fifth Disciple ay tunay ngang walang hangganan, maaaring iyon na lamang ang natitirang pag-asa upang mailigtas ang kanyang anak na si Lukariah.

She no longer had any other path to take.

Kailangan niyang protektahan ang pagkakakilanlan ni Everly mula sa Dark Coven habang unti-unting ginigising ang tunay na kapangyarihan ng disipulo sa loob nito.

Whatever the cost... she would make her plan succeed.

Meanwhile...

Sa Sacred Lake ng Good Coven, naging abala ang buong kampo sa paghahanap sa kasalukuyang lokasyon ni Lady Weresfia gamit ang lahat ng impormasyong kanilang nakalap.

Unti-unti nang naibalik ang kaayusan sa lugar na sinalanta ng dalawang demonyo. Fortunately, the rescuers arrived much earlier this time, greatly reducing the number of casualties compared to previous attacks.

Lahat ng iyon ay dahil sa isang hybrid.

—or rather, as many demons called him...

A defect.

Isang demonyong tumalikod sa sarili nitong lahi upang ipagtanggol ang mga nilalang na dapat sana'y kanyang pinapatay.

Never in Grand Orleas' history had they witnessed a demon protecting humans, beasts, and other races against its own kind.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon