Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XLV
Third Person's POV
Just in time.
Makahulugang usal ni Eve habang pinagmamasdan si Everly.
Sa wakas ay mas mabilis na nitong nagagamit ang kapangyarihan ni Weresfia. Weeks of relentless training had finally paid off.
Ngunit alam din niyang hindi pa sapat iyon. Pagod na pagod na ang katawan ni Everly, at anumang sandali ay maaari na naman siyang mawalan ng kontrol sa kapangyarihang iyon.
"I need to end this... quickly," mahinang bulong ni Everly sa sarili.
Ramdam niya ang unti-unting pagkapagod ng bawat kalamnan. The longer she maintained Weresfia's power, the more it consumed her body.
Batay pa lamang sa lakas ng unang pag-atake ng nilalang, alam niyang wala nang ibang makakaharap dito kundi siya.
Unless... Greyson returned.
Saglit niyang nilingon sina Ophir at Manang Linda. Pareho pa rin silang nakatulala sa lakas ng kanyang ipinakitang kapangyarihan.
"You should leave!" sigaw niya kay Ophir. "Call Greyson back here! Now!" Nanatiling nag-aalinlangan ang lalaki.
Paano niya maiiwan ang babaeng ipinagkatiwala sa kanya?
Napailing si Everly.
"You saw me survive that attack, didn't you?" sigaw niyang muli. "I can hold it off long enough. Go ask for help!" Buo ang loob niyang sinabi iyon kahit alam niyang kalahati lamang ang katotohanan.
She wasn't sure if she could really survive. Ngunit kailangan nilang maniwala.
Napabuntong-hininga si Ophir bago mahigpit na hinawakan ang kamay ni Manang Linda.
"Let's go, old lady." Ngunit agad umiling ang matanda.
"Hindi, iho. Iwan mo muna ako rito." Nagulat silang dalawa.
"Mas mabilis kang makakarating kung mag-isa ka lang. Huwag mong sayangin ang kapangyarihan mo para sa akin." Mahigpit na napapikit si Ophir.
Ayaw niya itong iwan. Pero alam niyang tama ang matanda. Sa isang iglap ay mabilis itong naglaho.
"What?! Wait!" Napamura si Everly habang sinusundan ng tingin ang direksyong nilisan nito.
"He left her?!" Mas lalo tuloy siyang nahirapang kumilos.
Ngayon kailangan pa niyang protektahan si Manang Linda habang nakikipaglaban sa nilalang na iyon.
"Huwag mo akong isipin, ija!" sigaw ng matanda. "Mas mabilis makakabalik si Ophir kung hindi niya ako dala. Malaking bahagi ng lakas niya ang mauubos kung isasama pa niya ako." Napakagat-labi si Everly.
Wala na siyang magagawa. She slowly shifted her attention back to the forest. Naningkit ang kanyang mga mata.
Mula sa pinakamadilim na bahagi ng kagubatan ay may isang nilalang na dahan-dahang lumabas.
Hindi ito rogue. Its body glowed with an eerie crimson light while darkness coiled around it like living smoke.
Napakalakas ng aura nito. Napakabigat. Parang mismong hangin ang nanginginig sa presensya nito.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
