Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XXVII
Third Person's POV
Isang napakalakas na pagsabog ang yumanig sa buong kagubatan nang salubungin ni Eve ang pag-atake ni Knox. Bumalot ang makapal na alikabok at nagliparan ang mga naglalakihang puno. Dahil sa lakas ng impact, walang malay na bumagsak si Greyson sa damuhan habang si Knox naman ay marahas na tumilapon pabalik sa kailaliman ng gubat.
Tahimik na lumapit si Everly, na ngayon ay pinamamahayan ng kaluluwa ng Fifth Disciple, sa katawan ng alpha. Lumuhod siya at marahang sinuri ang pulso nito.
He's still breathing.
A soft glow enveloped her hand before she gently placed it over the deep wound on Greyson's chest. Unti-unting bumalik ang dugong nagkalat sa kanyang kasuotan at balat patungo sa mismong sugat, saka nagsimulang magsara ang malalim na hiwa. Sumunod niyang ginamit ang restoration spell upang ibalik ang enerhiyang nawala sa lalaki at paginhawahin ang pagod nitong katawan.
Makalipas ang ilang segundo, luminaw ang kulay ng kanyang balat. Kumalma ang paghinga nito at naglaho ang kunot sa noo. Payapa itong nakatulog, tila walang bakas ng matinding laban na pinagdaanan.
"You're still a foolish man... as always," mahina niyang bulong habang nakatitig sa pamilyar na mukha ng lalaking ilang ulit na niyang iniligtas sa iba't ibang buhay.
A faint smile escaped her lips.
History was repeating itself once again.
Ngunit sa pagkakataong ito, nais niyang baguhin ang isang bagay. She would never allow this dangerous man to meet her again.
Alam niyang kapag muli silang nagtagpo, mauulit lamang ang parehong trahedya. Kaya kahit gaano kahirap, iiwasan niya ang lalaking ito upang maprotektahan ang kinabukasan nito.
For now, she only wished for the same ending her previous lives had always reached.
She would defeat the Dark Coven...
And Greyson would eventually find the happiness he deserved—even without her.
Hindi man nito maalala ang bawat pagkakataong nagkrus ang kanilang landas, darating din ang araw na maaalala nito ang tunay niyang layunin at ang sariling misyon sa mundong ito.
Ngunit tulad ng dati, tatanggihan niya ang damdaming maaaring mamuo sa pagitan nila.
Only then could he truly live the peaceful life she had always wanted for him.
Perhaps...
This life would finally become her last.
Sa pagkakataong ibinigay muli sa kanya, sisiguraduhin niyang matatapos na ang ilang daang taong paghihirap ng Grand Orleas at tuluyan nang mawawasak ang sumpang ipinataw ng Moon Goddess.
She slowly lifted her gaze toward the brilliantly shining moon.
"Sa pagkakataong ito... hindi na kita bibiguin, mahal kong diyosa," marahan niyang usal bago yumuko bilang paggalang kay Selene, ang diyosang lumikha sa kanilang lahat at tanging may kapangyarihang wakasan ang sumpang bumalot sa kanilang mundo.
She hoped that, before returning to her creator's side, she could witness Orleas finally reunited with its true world—Asteria.
"ARGHH!"
Naputol ang kanyang pagninilay sa malakas na sigaw ni Knox.
Muli itong bumangon matapos tamaan ng isa pang mabigat na atake ni Eve. Nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata habang nakatitig sa maalamat na puting lobo.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
FantastiqueA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
