Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XXIII
Third Person's POV
Dahil sa sunod-sunod at walang awang pag-atake ng mga halimaw ng Dark Coven, nagsimulang mag-panic ang maliliit na pack sa buong Grand Orleas. Marami ang nagpasiyang isuko ang kanilang kasarinlan kapalit ng proteksiyon ng mas malalakas na pack.
Ang iba nama'y tumawid pa sa Grand Orleas River upang makalayo sa lumalalang panganib, samantalang may ilan pa ring piniling manatili sa hilagang bahagi ng lupain, umaasang hindi sila maaabot ng trahedya.
Pagdating nina Chief Zevian sa main hall ng Flintstones Palace, agad silang sinalubong ng matandang Alpha Nazik. Sa kabila ng kanyang katandaan, hindi nito kailanman kinalimutang personal na batiin ang bawat panauhing bumibisita sa kanilang pack.
"Maligayang pagdating muli sa aming munting tahanan, Chief Zevian," masayang bati ng matandang Alpha.
Nakatayo sa kanyang magkabilang tabi ang dalawa niyang anak—si Princess Darhi, dalawampu't isang taong gulang, at ang bunsong si Princess Celeste, na labing-anim pa lamang.
Si Zaugustus lamang ang naging anak ng unang Luna. Nang muling mag-asawa si Alpha Nazik sa kanyang pagtanda, isinilang sina Darhi at Celeste, dahilan ng malaking agwat ng kanilang edad. Sa kasamaang-palad, pumanaw rin ang ikalawang Luna matapos isilang si Celeste.
"Muli kaming nagpapasalamat sa inyong mainit na pagtanggap, Alpha Nazik. Princess Darhi, Princess Celeste," magalang na bati ni Zevian habang bahagyang yumuyuko.
Tahimik namang tinanggap ng tatlo ang kanyang pagbati.
Dahil matagal nang wala ang dalawang Luna ng pack, sina Darhi at Celeste na lamang ang umaalalay sa kanilang ama sa pamamahala. Samantala, bihira nang makadalaw si Zaugustus dahil halos buong oras nito ay inilalaan sa pag-aalaga sa kanyang may sakit na anak at sa kabiyak nitong si Nefeli.
Palihim na inilibot ni Zevian ang kanyang tingin. Hinahanap niya ang susunod na Alpha. Ngunit tila nabasa ni Alpha Nazik ang kanyang iniisip.
"Inatake na naman ng sakit ang aking apo," malungkot nitong sabi. "Ipagpaumanhin ninyo kung hindi kayo masasalubong ni Zaugustus." Nagkatinginan sina Zevian at Elio.
Kaagad na naunawaan ni Elio ang nais ipahiwatig ng kanyang pinuno. Bitbit ang isang maliit ngunit eleganteng kahon, lumapit siya sa dalawang prinsesa. Lumuhod siya sa isang tuhod bago marahang iniabot ang regalo.
"Isang munting handog lamang po ito," ani Zevian. "Sana'y huwag ninyo kaming tanggihan." Hindi na nakatanggi si Princess Darhi. Maingat niyang binuksan ang kahon.
Agad lumawak ang kanyang mga mata. Maging si Celeste ay napatakip ng bibig sa matinding gulat.
Inside the velvet-lined box rested several shimmering Magic Stones, each glowing with a gentle silver light.
"Nakumpiska namin ang mga Magic Stones na ito sa kanlurang bahagi ng Grand Orleas," paliwanag ni Zevian. "Ipinupuslit ang mga ito papuntang Danyir. Alam kong malaking tulong ang mga batong ito sa kalagayan ng inyong apo."
Magic Stones were among the rarest treasures in their world. Each contained condensed magical energy capable of easing the symptoms of the cursed illness tormenting Lilura. Only a handful were believed to exist across Grand Orleas, making them priceless. Because of their value, countless smugglers risked their lives trading them illegally.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
