Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XXII
Third Person's POV
Three days had passed since the unprecedented massacre that wiped out a small pack in the western region of Grand Orleas. Not a single survivor remained—neither wolf nor neutral warlock. All that was left were scorched ruins, charred corpses, and ashes scattered across the once peaceful settlement.
"Chief Zevian, the remaining bodies have all been buried," one of the Moonstone knights reported solemnly.
A quiet sigh escaped Zevian before he slowly turned toward the members of their expedition team.
Ito ang unang pagkakataong nakasaksi sila ng pag-atakeng halos abo na lamang ang iniwan. Halos hindi na makilala ang mga sunog na katawan ng mga biktima. Tila sinigurado ng mga halimaw na walang kahit isang nilalang ang mabubuhay upang magkuwento ng nangyari.
Bilang pinuno ng Moonstone Expedition Team, hindi maunawaan ni Chief Zevian ang dahilan ng ganoong kalupit na pagpatay. Ilang linggo na silang naglalakbay sa Grand Orleas upang magsaliksik tungkol sa mga bagong uri ng nilalang at pagbabago sa kalikasan, ngunit hindi nila inaasahang haharap sila sa ganitong trahedya.
Sinumang makakita sa sinapit ng maliit na pack na iyon ay siguradong kikilabutan. Wala nang bakas ng tahanan—tanging amoy ng kamatayan ang bumabalot sa paligid.
Tahimik na yumuko si Zevian at nag-alay ng maikling panalangin para sa mga inosenteng buhay na nasawi.
"This may be the most gruesome attack we've ever encountered," Elio commented quietly while standing beside him.
Walang emosyon ang mukha ni Zevian, ngunit alam ng kanyang mga kasama na mabilis na umiikot ang isip nito, sinusubukang hanapin ang paliwanag sa likod ng walang habas na pag atake.
Hindi nila alam ang pangalan ng maliit na pack, ni ang pinunong namahala rito. Ang tanging impormasyon lamang ay isa ito sa daan-daang maliliit na pack na nakakalat sa buong Grand Orleas.
Ngayon na tila mas naging organisado at mabagsik ang mga halimaw, malinaw na may mas malalim na dahilan sa likod ng kanilang mga pag-atake.
As the main research team of Moonstone Pack, they carried the responsibility of uncovering the truth. They had to determine what kind of monsters were capable of erasing an entire pack overnight—and more importantly, how to stop another tragedy before it repeats itself.
"Looks like they're deploying stronger monsters now," Zevian murmured under his breath.
Tahimik na tinalikuran niya ang guho ng maliit na pamayanan. Sumunod naman ang kanyang mga tauhan, dala ang parehong lungkot at galit para sa mga biktima.
"Prepare the carriages. We can't afford any more delays. We're heading to Flintstone." Agad namang kumilos ang grupo at ipinagpatuloy ang kanilang ekspedisyon.
Halos magbukang-liwayway na nang marating nila ang Flintstone Pack.
Unlike the other great packs, Flintstone remained deeply rooted in tradition. Kahit isa ito sa tatlong pinaka-malalakas na pack sa Grand Orleas, hindi kailanman nawala ang kanilang payak at makalumang pamumuhay. They valued unity, family, and relationships far more than prestige or military power.
Ito rin ang pinakamatandang pack na naitatag sa buong Grand Orleas.
Pagdating sa populasyon, walang makakatapat sa Flintstone. Binubuo ito ng halos limampung nayon at mahigit dalawang daang libong miyembro mula sa iba't ibang lahi.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
