My Beloved Lux, today is my seventh anniversary on Wattpad and my eleventh year in total. This chapter is a gift for all of you. I'm still here so please be patient while I finish writing and editing the story, and then I'll publish it all at once. Thank you so much for supporting me from the very beginning.
~ Author Somniator
***
ZION'S POV
Nang maisuot ko ang Ring of Mystery ay wala ng problema para pumunta sa Calypso World.
[Name: Ring of Mystery]
Description: Territory Holder, contains offensive and defensive buff for the wearer.
Owner: Zion
Territory: Zion City (Bind)
Note: Only wearable by the Owner, if someone that does not own this wear this, his/her soul will burn in the hottest fire
Marahil mas maraming alam si Commoner Wyatt Agares sa mundong pupuntahan namin, siya ang aking naging gabay. Tiningnan ko si Wyatt Agares, mukhang mas masigla siyang tingnan kumpara dati. Siguro gusto rin niya talagang bumalik sa mundong ito, hindi lamang niya magawa dahil nga nakulong siya sa Legacy Trial. (Look for Chapter 33)
Mabilis na proseso lamang ang nangyari sa Portal, makikita mo sa paligid na tila ibang lugar na ang pinuntahan namin, malayo sa kapaligiran ng New World.
Isang kapatagan na lupa lamang ang nandito at may matatanaw ka ring palasyo sa harap. Tinunton namin ito at makikita ang plaka sa ibabaw ng isang dambuhalang gate at nagtataasang walls na merong mga sundalong naglilibot, nakasulat ang salitang 'Heavenly Continent - Heavenly Empire'
"Saan nga natin makikita si Commoner Sicario?" Pagtatanong ko kay Commoner Wyatt Agares. (Look for Chapter 34)
"Kapag po kasi nandito na ang mga Commoner sa Calypso World, dalawa na lamang ang ginagawa ng mga Commoner. Una ay manirahan ng payapa rito, at ang pangalawa naman ay hanapin pa ang layunin namin sa mundong ito." Tumango ako sa paliwanag ni Wyatt Agares. Kung gayon, saan kabilang si Commoner Sicario?
"Si Commoner Sicario ay nabibilang sa pangalawang uri, ang mga katulad niya ay hindi madaling makita o mahanap, ngunit kapag siya mismo ay balak makipagkita sa iyo, kahit saang lugar ka pa nagtatago, mahahanap at mahahanap ka niya." Tumango akong muli sa kanyang paliwanag. Huwag hanapin ang ayaw makipagkita kung ganun.
Tumango ako at nagsabi na "Diyan na lang muna tayo lumagi at magpalipas ng araw." Tumango si Commoner Wyatt Agares at sumenyas sa mga sundalo na inoobserbahan na pala kami.
"Saang Emperyo kayo galing?" Pagtatanong ng isang sundalo nung ito ay makababa at pagkabukas ng kanilang dambulang gate.
"Kami ay naturang mga Adventurer at naghahanap lamang ng matutuluyan muna." Tumango ang sundalo at walang tanong-tanong na pinagbuksan kami at ipinatuloy sa gate. "Diretsuhin niyo lamang ang daang ito at makakakita kayo ng isa pang gate, kailangan niyong magbayad bawat isa ng 2 prestige sa bawat taong meron kayo." Nagpasalamat lamang si Commoner Wyatt Agares at katulad ng sinabi niya ay nagbayad kami ng 4 prestige, tig-dalawa kami ni Commoner Wyatt Agares. Bagamat may isa pa kaming kasama, si Tiangou. Sinuri lamang ito ng sundalo at gamit ang kamay nito ay sumenyas na pwede na kami pumasok.
Napabuntong-hininga naman ako sa bilis ng proseso, gayong isang hindi pamilyar na lugar ang nasa harapan at makikita ng mata ko, napapantig ang puso ko na libutin ang mundong ito.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
