"Mabuti nalang at hindi gaano kalala ang natamo niyang sugat sa kamay. Maya-maya ay magigising na rin siya"
Naalimpungatan ako nang madinig ko ang ingay. Agad akong nangunat at napahikab. Kinusot kusot ko din ang mata ko at agad na naupo.
"O' gising na pala ang binibini" napatingin ako sa kanan ko nang madinig na may nagsalita. Nakita ko ang isang lalaking may katandaan na nakasuot ng puting pulo na may mahahabang manggas at mukhang manggagamot ito.
Nakita ko rin ang isang babae na nakangiti sa akin at mukhang nasa tatlumpu't siyam ang edad. Nakasuot ito ng magandang baro't saya na kulay puti at katabi naman nito ang isang matipunong lalaki na nakasuot din ng puting polo na may mahabang manggas at parang kahawig ni daddy. Seryoso lang ang tingin at may bahid na pag aalala sa mukha nito habang nakatingin sa akin.
"Teka? S-sino kayo? Patay na ba ako?! Ito na ba yung sinasabi nilang kabilang buhay?" may bahid na takot nang sabihin ko yun kaya nakita kong nabigla sila.
Akala ko si San pedro agad yung sasalubong sa atin kapag pumanaw tayo, hindi pala.
"Wait, Nasaan ako? Saan niyo ako dinala? Anong lugar to? Ito na ba yung kabilang buhay?" Sunod-sunod ko pang tanong. Nakita ko ang pagtakip sa bibig ng babae habang gulat na nakatingin sa akin.
"Ginoong Edmondo, bakit walang may naaalala ang aming anak? Ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong nung babae sa matandang lalaki kaya nagulat ako.
"What? Anak? Teka! Ano ba ang nangyayari?" Sabi ko at napatingin sa paligid. Nakita ko rin na nakasuot ako nang baro't saya kaya napatayo ako at hindi makapaniwala sa nakikita.
"B-Bakit ganito yung suot ko?"Hindi naman ngayon buwan ng wika kung kaya't nakakapagtaka lang.
"Donya Hermoso, Wala namang natamong sugat sa ulo ang binibini na dahilan nang pagkakauntog nito, kaya batid kong malayong mawalan siya nang memorya sa nangyari sa kanya" sabi pa ng matanda habang nakatingin sa akin. "Maraming salamat sa nilaan niyong oras, Ginoong Edmondo" sabi pa nung lalaki at agad na lumabas yung matanda.
Naglakad papalapit sa akin ang lalaki ka edad lang ni daddy. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya agad akong natakot at tumakbo papunta sa duluhan nitong kwarto.
"Wala ka na talagang ibang ginawa kundi ang bigyan kami ng sakit ng ulo Corazon! Tapos ngayon ay nagawa mo pang saktan ang iyong sarili! Anong nangyayari sa'yo!" Sigaw nito sa akin. Umalingawngaw sa loob ng kwarto yung sigaw niya. Ano?... Anong sinabi niya?
"A-anong C-Corazon? A-ano suicide? Hindi ah!" kinakabahan kong saad kaya mas lalong nagtagpo yung kilay niya habang nakatingin sa akin.
"Tapos ngayon mag kukunwaring wala kang naaalala para lang hindi maparusahan sa pagiging suwail mong anak!" Sigaw pa nito sa akin kaya napayuko nalang ako. Hindi ko alam piro kusang tumulo yung luha ko. Nalilito ako kung ano ang nangyayari... totoo naman kasi na hindi ko alam yung mga pinagsasabi niya.
"Mahal, huminahon ka. Pabayaan na muna natin si Corazon... bata pa siya at hindi niya pa alam ang kanyang ginagawa" sabi nung babae at pilit na nilalayo sa akin yung lalaki.
"Wait siguro pinagtritripan niyo lang ako. Joke ba to? Scam? Nang gogood time kayo eh" sabi ko. Nabigla nalang ako ng tuluyan ng napahagulhol yung babae.
"Nag-aalala ako para sa ating anak. Pati sa kanyang pagsasalita ay hindi na natin maintindihan, siguro ngang kay lubha ng tinamo niya" sabi nito kaya agad akong napatawa sa harap nila. "Wait, don't tell me na shooting to ng pelikula kaya ganito yung mga suot natin. Nasaan yung camera?" sabi ko sabay hanap ng camera sa bawat sulok ng kwarto ngunit bigo akong mahanap ito.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...