K A B A N A T A 40

35 0 0
                                    

GABI na ngunit patuloy pa din ang mga kasiyahan sa labas. Dinig na dinig din ang musikang nanggagaling sa sala nitong mansyon. Lahat din ay abala dahil sa pagsalubong sa araw ng kapistahan, hindi ko din akalain na magpapahanda din si Manuel dito sa bahay.

Matapos kasi ng nangyari kanina ay agad kaming umuwi ni Carding. Nagtataka pa ito ng makita ang pamamaga ng palapulsuhan ko kung kaya't paulit-ulit itong nagtanong kung ano ang nangyari. Mabuti nalang talaga at wala pa dito si Manuel ng umuwi ako kung kaya't napanatag ang loob ko na walang may mangyayaring gulo.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at agad na napatanaw sa bintana na kung saan ay makikita mula sa baba na abala ang lahat. Sa aking pagkakarinig ay dito din magdadaos ng pista ang familia Garliardo at Hermoso kung kaya't malaking handaan ang gaganapin dito. Hindi ko din maintindihan kung bakit kailangan pang magdiwang gayong kakawala pa lang naman ni Don Wilfredo.

Nabigla ako ng may humawak sa kamay ko kung kaya't paglingon ko ay napanatag ang loob kong makitang si Manuel yun.

"Kumusta ang iyong tulog?" Tanong nito sa akin habang nakangiti. Mabuti nalang talaga at nagpalit ako ng damit na may mahabang manggas kanina kung kaya't hindi nakikita ang pasa ko .

"Ayos naman, kanina ka pa umuwi?" agad siyang tumango sa akin at naglakad papunta sa harap ko habang may hawak ng talukbong. Isinuot niya ito sa akin habang nakangiti ng malapad.

"Hindi naman ako nilalamig" saad ko sa kanya habang inaayos pa yung talukbong sa akin. "Tatakas tayo" ani pa niya at agad na isinira ang bintana na siyang dinudungawan namin kanina.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinasabi niyang tatakas kami sa mismong bahay namin kung kaya't hindi ko mapigilan na matawa ng mahina. Saka ko lang din napansin na nakasuot lang siya ng simpling damit ngayon.

"Halika na" ani pa niya sabay hawak sa kamay ko at palinga-lingang tumingin sa labas para walang may makakita sa amin. Natanaw ko din mula sa baba yung mga magulang namin.

Nanatili kaming nakatago sa isang pader dahil sa dami ng mga katulong na siyang abala sa paghahanda kung kaya't hindi ko mapigilan na mapangiti ng makitang na preressure na si Manuel.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" Pabulong kong tanong ko sa kanya kung kaya't napabuntong hininga ito. "Basta, may isang lugar ako na gustong puntahan na kasama ka. Dapat makalabas muna tayo dito" ani pa nito kaya naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Edi huwag nalang tayo magtago at magpaalam sa kanila na may pupuntahan muna tayo" saad ko sa kaya pero mabilis itong umiling. "Sinubukan kong magpaalam kanina ngunit ayaw ni Ina na umalis tayo kahit saglit lang sa ating sariling pamamahay dahil sa mga darating na bisita" usal niya na tila isang batang hindi pinayagan na lumabas ng bahay kaya napangiti ako.

"Sge, halika. May alam akong lugar na makakalabas tayo ng hindi nahuhuli" saad ko sa kanya at agad na hinawakan ang kamay niya at naunang naglakad papunta sa likod ng bahay na siyang palagi kong dinadaanan kapag tatakas ako.

"Charan! Andito na tayo" nakangiti kong saad sa kanya ng makalabas na kami. "Ngayon alam ko na kung saan ka tumatakas" ani pa niya kaya agad akong napanguso.

Hayst.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga matataong lugar. Hindi ko naman maialis ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Hindi ko kasi akalain na sa panahong ito ko mararanasan yung holding hands while walking.

Napabalik ako sa diwa ng tumigil kami sa harap ng isang bangkita. Nakita kong puno ang mesa ng mga kakanin.

"Mahal, tikman mo ito. Masarap ang kakanin na yan" ani ni Manuel sabay subo sa akin kung kaya't wala nawala ako sa sarili habang kinakain yun.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon