NANATILI akong tahimik habang nakaupo sa sala. Batid kong nakatitig silang lahat sa akin habang hinihintay akong magsalita. Kami nalang pamilya ang nandito at maging sina kuya. Nakatulog na din si Emanuel sa ginawang duyan ni Manuel na siyang nasa sala din. Ayaw ko kasing iwanan ito ulit sa taas at baka kung ano pa ang mangyari.
Matapos ng rebelasyon kanina ay umalis na din sila sapagkat pinagtabuyan na sila ng mga gwardia na siyang inutusan ni Manuel. Alam ko ding ginamit nila ang malaking pagdidiwang ito upang ipabatid sa lahat ang katotohanan
Hindi ko lang alam kung bakit pa nila ito ginagawa. Hindi ba't dapat mas mahihiya sila sa kanilang pakikiapid.
"Corazon" napaangat ako ng tingin tawagin ako ni kuya Rolando. Napabuntong hininga ako bago nakapagsalita.
"O-Oo, alam ko na ang buong katotohanan tungkol sa aking katauhan. Nalaman ko noong araw ng dumalo kami sa bahay ni Don Costavo sapagkat aking natunghayan ang kanilang paghahalikan" saad ko sabay tingin kay Miguel sapagkat siya ang kasama ko sa araw na iyon.
"Kaya pala ganun ang iyong naging kalagayan matapos kang bumaba" napatango ako sa sinabi ni Miguel.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin? Bakit ka naglihim?" Tanong naman ni kuya Londriko habang malungkot na nakatingin sa akin kung kaya't napayuko ako.
"Sapagkat natakot ako. Naduwag ako na kung sakaling malaman niyo ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi niyo na ako ituring kapatid. Natakot akong itakwil niyo ako---" natigilan ako ng yakapin ako ni kuya Londriko kung kaya't hindi ko na napililan ang sarili kong maiyak. Maging si Kuya Rolando ay yumakap din sa akin kung kaya't napagroup hug ako sa kanila.
"Bakit mo naman naisip ang ganuong bagay. Alam mo namang kahit anong mangyari ay mahal ka pa din namin" saad ni kuya Rolando habang gingulo ang buhok ko kung kaya't mas lalo akong naiyak sa harap nila.
"Kahit ano ang mangyari, ikaw lang ang natatangi naming bunso kung kaya't huwag mong isipin na gagawin namin iyon" dagdag naman ni kuya Londriko kung kaya't napayakap ako ng mahigpit.
"Patawad kuya kung naglihim ako" pinatahan na ako nila kung kaya't hindi unti-unting umukit sa labi ko ang ngiti. Maging sina Josefina at Isabella ay hindi mapigilan na mapangiti habang nakatingin sa amin.
Hindi ko akalain na mararanasan kong magkaroon ng mga kapatid na tulad nila. Sadyang kabuti nilang dalawa kay Corazon.
"Mahal na mahal ko kayo kuya!" Nakangiti kong saad na animo'y isang batang naglalambing sa kanyang mga nakatatandang kapatid.
"Talaga? Higit kay Manuel?" pabiro nilang saad kung kaya't natawa ako. Mabuti nalang at wala dito si Manuel sapagkat nasa itaas ito at may inaayos.
"Syempre naman kuya basta ilihim niyo lang kay Manuel ang tungkol dito" biro ko habang pinupunasan ang mukha ko. "O' sge magpahinga na kayo sa taas. Uubusin lang naman ito" saad pa ni Kuya Rolando kung kaya't sabay-sabay na kaming pumunta sa taas habang karga ko na si Emanuel ngayon na siyang mahimbing natutulog.
Malalim na kasi ang gabi kung kaya't dito nalang sila matutulog tutal ay marami naman ang bakanting silid dito.
"Matutulog na kami" saad ni Josefina kung kaya't agad na akong napatango bago sila pumasok sa kanya-kanyang silid. Pagpasok ko sa silid namin ay nakasalubong ko si Manuel. Inayos pala nito ang higaan namin kung kaya't natagalan ito dito sa taas.
"Matutulog kana?" Tanong niya kung kaya't agad akong napatango habang linalagay si Emanuel sa gitna ng higaan.
"Sge, matulog ka na ng mahimbing"ani pa niya sabay halik sa noo ko kung kaya't mabilis kong hinawakan ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...