K A B A N A T A 21

79 3 0
                                    

UNTI-unti kong naramdaman yung lakas ng tama ng alak sa akin habang naglalakad ako papalabas ng bahay. Agad aking napakapit sa gilid ng pader ng maramdaman ko yung pagikot ng paligid. Pero mas grabe pa din talaga yung ginawang pagpapaikot sa akin ni John! Piste!

Ang sakit din talaga ng ulo ko kung kaya't muntik na akong matumba mabuti nalang talaga at may nakasalo sa akin. Pero alam kong bibitawan din niya ako katulad ng ginawa ng magaling kong ex!

"Ina, bakit ganito kalakas ng tama ng alak sa kanya?" Dinig kong tanong ni Manuel habang nakahawak sa akin kung kaya't agad ko na siyang tinulak bago paman niya ako bitawan. Mas mabuti ng handa. May mga bagay talaga na mas mabuting mauna ng bumitaw kaysa hayaan mo yung sarili mong bitawan ka ng taong pinagkatiwalaan mo na hindi gagawin yun. Piste ka John! Dahil sayo naging ganito ako!

"Mas malakas yung tama ko sa pisteng tukmol na si John! Ang sama talaga ng ugali, sana hindi masarap ulam niya ng buong taon!" saad ko sabay  pagiwang giwang na lumakad papunta sa karwahe at agad na yumakap sa kabayo na panay yung ilag sa akin.

Napatawa nalang ako at agad itong hinalik-halikan. Nakita ko pa yung pagsaway sa akin ng kutsero dahil baka raw tadyakan ako nito kaya napanguso nalang ako at agad na hinayaan yung sarili ko na mapaupo sa daan.

Pati ba naman yung kabayo ay ayaw sa akin at kayang kaya akong saktan. Grabe ka na talaga John! Piste ka talaga sa buhay ko.

"Halika na, umuwi na tayo" nagtagpo ang kilay ko ng makita ko si Manuel. Seryoso ang mukha nito kung kaya't ginaya ko siya at agad na tumawa ng malakas. Hinawakan pa nito yung kamay ko at pilit akong pinapatayo kung kaya't agad kong inalis yung kamay niya at kusang tumayo. "Don't touch me! Kamay mong madumi! Wash wash muna bago hawak mo" saad ko habang may tono pa at nagpagewang gewang na lumapit sa karwahe at gumapang para lang makasampa doon.

Nang makalapit na ako sa upuan ay agad na akong umupo ng pahiga doon at napapikit nalang. Sobrang bigat din ng pakiramdam ko at nawawalan na ako ng control sa sarili. Naramdaman ko yung pagsampa ng sinuman sa karwahe kung kaya't agad akong tumingin doon. Nakita ko si Manuel yung tumabi sa akin at seryoso lang ang mukha nito. Seryoso din ang mukha noon ni John noon bago ako lokohin kung kaya't hindi na ako maloloko ng ganyang mukha.

Nakaramdam din ako ng pagkairita sa katabi ko. Lalo na ng magsimula ng umandar yung karwahe. Masyado ding malubak yung daan kung kaya't napapantog ang ulo ko. Napantog din naman yung ulo ko noon pero bakit hindi ako nagising sa katotohanan na niloloko pala ako ng pisteng si John?.

"Umalis ka nga dito. I don't want you here! Ayoko sa lalaki! You're all the same! Sa una lang kayo magaling!" hiyaw ko habang tinutulak si Manuel papalabas pero sadyang mas malakas talaga siya sa akin at agad na hinawakan yung kamay ko para pigilan. Pinigilan ko din naman yung nararamdaman ko noon kay John lalo na't uso na yung mga cheating pero still na niwala ako sa kanya at hinayaan tong pisteng nararamdaman ko para sa ugok na yun! Tapos gaganitohin niya lang ako! Grabe ka talaga John! Ang sama mo!

"Ano ba ang iyong pinagsasabi? Hindi kita maintindihan" ani nito sa akin kaya agad akong napabusangot at napaayos ng upo. "Hindi ko din kayo maintindihan na nga lalaki! Nanahimik lang kaming mga babae tapos isang araw dadating kayo sa buhay namin tapos kung ano anong sasabihin para lang magpa good image tapos manliligaw at kunwari 'iba ako sa kanila' ugok! Mga style niyong panis! Ang hirap sa inyong mga lalaki ay sa una kang kayo magaling! Ang sasama niyo! Sana hindi masarap ulam niyo! Forever and ever kahit na walang forever!" inis kong saad at agad na pumikit muli habang paulit-ulit na binubulaslas yung 'huhuhuhuhu'.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon