HAPON na ng makarating kami sa Cebu at agad naman kaming dumiritso sa isang paupahang bahay para doon magpalipas ng ilang araw.
Sinabi sa akin ni ginang Theresa na magpahinga raw muna ako habang hindi pa sumasapit yung gabi na kung saan yun na yung oras para pumunta ako sa kuta ng mga rebelde na yun.
Naituro din niya sa akin kanina yung dadaanan ko habang nakasakay kami sa Kalesa na siyang renentahan niya. Galante din tong si Ginang Theresa kasi hindi siya nauubosan ng pera. Kapag ma accomplish ko na tong mission na to ay nagplaplano akong mangutang sa kanya ng pera para naman makapamili ako ng mga gamit dito hehe. Gusto ko ding makita yung buong paligid at samantalahin yung feeling ng pagiging Maria Clara. Char HAHAHA
Ilan ulit pa akong nagpagulong gulong sa higaan na yun ngunit hindi ako makatulog kung kaya't ay naisipan kong lumabas na muna sa bahay na yun. Hindi ko na din nagawang magpaalam kay Ginang Theresa kasi baka natutulog na siya.
Pagkalabas ko ay agad na tumambad sa akin yung mga bangkita na kung saan ay nakalatag sa daan. Marami ding mga taong tumitingin-tingin sa mga tinda kung kaya't nakigaya din ako sa ginagawa nila.
Hindi mawala sa labi ko habang nakatingin sa paligid. Sobrang aliwalas ng paligid at fresh pa yung hangin. Hindi ko din mapigilan na matawa habang nakamasid sa mga tao sa paligid dahil sa mga kasuotan nila. Iniimagine ko kasi yung sarili ko na nasa historical movie tapos ako yung bidang babae na si Maria Clara. Diba sobrang taray ng imagination ko...ang lakas ng amats.
Sobrang pabebe din yung ibang mga babae na nag-uusap usap sa daan. Ang gagarbo din ng mga kasuotan nila at nagpapatagisan ng kayaman. May mga dala din silang mga abaniko at sa tuwing tatawa sila ay itatakip nila ito sa mukha kaya sobra akong natatawa kasi pabebe yung dating sa akin.
"Binibining Laura, matagal na ding nanliligaw sayo si Señor Edmondo ngunit bakit hindi mo pa siya sinasagot?" dinig kong usapan ng mga babae na naglalakad sa harapan ko. Sobrang bagal nilang maglakad kaya no choice ako kundi ang makipagsabayan sa kanila. Hayst. Ang sarap itulak.
"Dalawang taon pa lamang siyang nanliligaw sa akin at sasagutin ko agad? Ano ako malandi?" Natawa ako bigla matapos kong madinig yung saad ng babae.
Grabe! 2 years nang nanliligaw yung guy tapos para sa kanila kapag sinagot mo ng ganung katagal ay malandi na agad. Paano naman yung makababong henerasyon ngayon na walang ligaw-ligaw na. Tapos hindi na din uso yung label... Diba kaloka?
Haysttt. Nasira din yung mood ko ng maalala ko yung hinayupak na John na yun. Huhu natamaan kasi ako sa sinabi ko.
The truth is hindi na din dumaan sa panliligaw ang pisteng si John.
"Ano ang iyong tinatawatawa diyan? Bakit ka nakikinig sa aming usapan?" Napabalik ako sa diwa ko ng madinig ko yun.
Saka ko lang na realize na naagaw ko na pala yung atensyon nila kung kaya't sobrang taray na nila sa akin ngayon.
Agad naman akong umaktong hindi ko alam ang sinasabi niya at tinaasan din siya ng kilay.
"What are you talking about? Are you referring to me?" sinadya ko talagang mag ingles para matulala sila sa sinabi ko. Tulad ng inaasahan ko ay hindi nila ako maintindihan at sa halip ay umalis nalang sa harap ko kaya napangiti ako.
Feeling ko tuloy ang talino-talino ko sa panahong to. Hehe.
(◕ᴗ◕✿)MALAPIT nang gumabi ng pumasok si Ginang Theresa sa kwarto ko habang may dalang damit. Agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha yun.
"Bakit pang lalaki to?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa damit at sa sumbrerong de copa.
"Magpapanggap kang lalaki para hindi maging kumplekado ang lahat" saad niya kaya tumango nalang ako. "Isuot mo na yan at maghanda kana"
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...