"Ito naman ang Mansyon ng namayapang alkalde na si Manuel Louis Garliardo" saad ng history Instructor namin na si Mrs. Correche habang tinuturo yung lumang bahay na siyang sinasabi ng ilan ay haunted house daw.
Sobrang luma na nito kung kaya't hindi safe kung pumasok pa kami sa loob. Isa pa ay nakakatakot din dahil maraming multo daw ang nakatira dito.
Every Saturday talaga ay may special activity kami sa history na kung saan ay binibisita namin yung mga local historical places dito sa lugar namin.
Sobrang boring nito para sa lahat pero wala kaming ibang magawa kundi ang maging present para sa attendance na din at baka bumagsak pa kami sa subject niya. Mahirap na."Sa ikalabing dalawang araw ng ulalong (Enero) Damason (lunes) ay inihalal si Ginoong Manuel Louis Garliardo bilang isang Alkalde ng Katbalaogan. Siya yung kaunaunahang pinakabatang naging alkalde sa buong kasaysayan. Sa edad ng dalawampu't dalawang taong gulang ay nagawa na niyang ipatayo ang antiao Bridge na siyang nagsilbing tulay para hindi na mahirapan ang mga tao sa pagtawid sa kabilang lugar" pag kwekwento pa ni Ma'am habang nagtatake note naman yung iba kong mga kaklase sa mga sinasabi niya. Palihim nalang akong napahikab at no choice din kundi ang magsulat ng mga sinasabi niya at baka wala akong maisagot sa surprise quiz niya.
"Ma'am, matanong ko lang. Bakit wala siyang munumento sa Catbalogan o larawan manlang sa museum bilang isang pagkilala sa kabutihang pamamalakad niya sa bayan natin. Na realize ko din na nabanggit niyo noon sa amin na naging isa siya mabuting alkalde at lahat ay ginawa niya para sa ikakaunlad ng Catbalogan kung kaya't nagtataka ako kung bakit hindi siya binibigyan ng pagkilala ngayon" napatingin ako sa isa kong kaklase na si Cristine ng sabihin niya iyun kay Ma'am.
Nagkaroon ako ng interest sa sinabi nito at agad na napaayos ng tindig at masinsinang nakinig. Napagtanto ko din kasi na tama yung sinabi ni Cristine at nakakapagtaka lang dahil hindi siya kinikilala ng mga tao sa mamamayan ng Catbalogan ngayon. Ni hindi ko din alam na siya pala yung nasa likod ng pagpapatayo ng antiao bridge.
"Naalala niyo ba yung linyang 'Kill every one over ten'?" tanong pa nito sa amin kung kaya't sabay sabay kaming tumango dahil karaniwang itong ginagamit sa mga linya ng nagsasadula sa tuwing ginaganap ang isang annibersayo na hindi ko alam kung para saan ba. Wala kasi akong interes sa mga ganoong bagay.
"Opo ma'am! Nasa dula yan tungkol sa naganap na hidwaan sa pagitan ng mga amerikano at pilipino dito sa ating lugar at dahilan yun ng pagdanak ng dugo o kilala ngayon bilang bloody Samar" Singit ni Lea na siyang palaging aktibo sa lahat ng mga nangyayari sa paligid. Palagi din kasi siya source ng chismis sa room namin kung kaya't hindi matigil ang lahat sa panglilibak.
Natawa nalang ako sa kabaliwan na sinabi nito. Wala naman akong nabalitaan na may ganung pangyayari dito sa lugar namin. "Uy! Anong tinatawa-tawa mo diyan?" naibaling ko ang tingin sa katabi ko ng sikuhun ako nito at nakitang si Patricia pala ito na siyang kaibigan ko.
"Wala lang, hindi lang ako makapaniwala kung saan na naman ba nakuha ni Lea yung ganung impormasyon na nakuha niya" saad ko pa kaya napa 'tsk' ito sa akin. Kilala kasi so Lea na mahilig gumawa ng kwento kung kaya't hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...