MADILIM pa ang palagid at heto ako, nanatiling nakatulala sa kisame habang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang nangyari sa mga taong malapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Dapat ba akong sumaya dahil sa pagbabago ng kapalaran o malungkot dahil sa katotohanang naulit pa din ang mga dapat sanang mangyari ngunit ngayon ay sa ibang tao at lugar na.Hanggang nagyon ay hindi pa din ako makapaniwalang wala na si Ama at Ginang Laura. Palagi ding bumabagabag sa isipan ko ang posibilidad na may ibang tao sa likod ng pagkamatay ni Ama.
Kung pagbabatayan man ang nasabing paghihiganti ni Ginang Laura dahil sa nangyari noon ay di sana ay noon pa niya ginawa ang masama niyang balak. Alam ko sa sarili ko na wala talaga siyang kasalanan.a Oo noong una ay hindi nagging mganda ang nagging pagkikitungo naming ngunit ng nagtagal ay mabait talaga si Ginang Laura sadyang sa kakaibang paraan lang talaga niya pinapakita ang pagpapahalaga at pagmamalasakit niya sa taong importante sa kanya.
“Corazon, linulunod mo na naman ang iyong sarili sa kalungkutan” napabalik ako sa diwa ng makita kong gising na pala si Manuel. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Sa tuwing nakikita niya kasi ako ay nakikita niyang palaging mugto ang mga mata ko.
“Huwag kang mag-alala, pinapangako ko sayo at sa magiging anak natin na bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala ni Ama at Ginang Laura” pagpapagaan niya sa kalooban ko kung kayat agad akong napangiti.
Kahit papaano ay nagpapasalamat na din ako na nandito si Manuel para pagaanin ang loob. alam ko naman na ginagawa niya din ang lahat para mabigyan yun ng hustisya sadyang napakagaling lang talagang magtago ng tunay na may sala.
Naramdaman ko ang dahan dahan niyang pagyakap sa akin kung kayat napapikit nalang ako.
“Nandito lang ako. Mahal na mahal kita” pabulong niyang usal na siyang narinig ko naman bago ako tuluyang makatulog muli.KINABUKASAN. Pagkabangon ko ay nakita kong wala na dito sa silid si Manuel kung kayat batid kong umalis na siya lalo nat ngayon ay abalang abala siya sapagkat bisperas nag kapistahan ngayon dito sa katbalaogan. Napabangon di ako ng marinig yung mga musiko at orchestra na nagmumula sa malayo kung kayat hindi ko maiwasang mapasilip sa bintana.
Bisperas pa lamang ngunit ay manaka-nakang tumutugtog ang kampana at maging ang kwitis na siyang nagpuputukan. Natanaw ko din na hawak ng ilang naglalakad na lalaki ang mga itinayong arkong kawayan na tinatawag na singkaban na siyang pinalibutan ng bulaklak na gagamitin sa prosisyon. Napabuntong-hininga nalang ako at mabilisang naligo at nagpalit ng damit para matignan ang kaganapan sa labas.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong bumaba. “Ginang Lau---“ napatigil ako ng mapagtanto kong tatawagin ko na si Ginang laura. Hindi ko mapigilan na malungkot dahil sa ganitong mga oras talaga ay siya agad ang sumasalubong sa akin.
“Magandang Umaga ho Seniorita” napabalik ako sa diwa ng makita si Aling Clara. Pilit akong ngumiti sa kanya at agad na lumapit.
“Naririto na ba si Carding?” tanong ko dito kung kayat agad siyang tumago at sinabing nasa hardin si Carding kasama si Mang Tiago.
Pagkalabas ko ay sinalubong ako ni Carding. Nais ko kasing magpasama sa kanya para sa paglilibot. Ito din ang bilin ni Manuel na huwag akong lalabas ng mag-isa.
Nang makalayo na kami sa mansyon ay bumungad sa amin ang mga maraming tao na nagkalat sa daan. Nakita din namin ang mg bahay na napapalamutian ng banderitas at nakasabit din sa bawat bintana ang mga binurdahang kurtina. Siguro nga yung mansyon lang namin ang walang ganun kung kaya't hindi ko inakalang bisperas na.
Naiintindihan ko din kung bakit hindi gaanong naghahanda ang pamilya namin sapagkat kakapanaw palang din ni Ama at ni Ginang Laura. Nakakawalang gana din ang mag diwang sa ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...