DALAWANG araw nang namamalagi sa mansion sina Carding at Tatay Tiago. Binigyan sila ng trabaho ni Manuel dito kung kaya't malaking tulong yung ginawa niya.
Sobrang nagpasalamat si Tatay Tiago sa pagtulong namin. Walang araw na hindi niya nababanggit yung kabutihan namin sa kanya kaya lumalaki tuloy yung atay ko.
Dahandahan na akong lumabas sa silid ko at nagpalinga-linga sa paligid para tignan kung nasa sala nga ba si Manuel. Panay pa yung sunod at meow sa akin ni mingming kaya senesenyasan ko siyang tumahimik.
Nabigla pa ako ng biglang bumungad sa akin ang nakangiting si Carding habang may hawak na sumbrerong de copa. "Señorita ano po ang iyong ginagawa diyan?" Tanong nito sa akin kaya agad ko siyang hinablot papalapit sa akin at suminyas na tumahimik siya habang nagpalinga-linga ako sa paligid.
"Huwag po kayong mag-alala señorita sapagkat wala po dito si Señor Miguel. Ipinagbilin niya po sa akin kanina na mawawala siya ng ilang araw sapagkat may inaasikaso siya sa bulwagan" saad nito kaya unti-unting gumuhit sa labi ko ang malapad na ngiti.
"OHHYEAHHHH! PARTY PARTY!" sigaw ko at napasayaw sayaw pa sa sobrang tuwa. Nabigla naman si Carding sa ginawa ko pero nagpatuloy pa din ako at agad na tumakbo pababa habang humihiyaw.
"Partey partey?" Tanong pa ni Carding kaya nakangiti akong tumango. "Oo, ang ibig sabihin niyan ay TAYO AY MAGSAYAAAA" saad ko at nagpalundaglundag pa.
"Samahan mo ako Carding, gumala tayo" saad ko dito kaya agad itong nasabik at nagpaalam muna sa tatay niya. Bumalik muna ako sa silid at nag-ayos. Yung simpleng baro't saya lang ang sinuot ko dahil naniniwala ako sa katagang simple is beautiful.
Hinayaan ko ding nakalugay yung buhok ko at naglagay ng palamuti sa gilid. Naglagay din ako asuete para papulahin yung labi ko.Nakangiti akong bumaba habang may dalang maliit na bag na kung saan ay doon nakalagay yung pera ko. "Ang ganda niyo po binibini. Tiyak na lalong iibig sa inyo si Señor Manuel" saad ni Carding at nakangiti sa akin ng makababa na ako kaya agad ko siyang inakbayan habang tumatawa.
"Naku! Bata ka pa nga lang pero ang galing mo ng mangbola" saad ko dito. "Pero hindi totoo yung huli mong sinabi. Magkaibigan lang kami ni Manuel" saad ko dito at kunot-noo itong tumingin sa akin.
"Bakit po? Ganun po ba ang magkaibigan, nagpapakasal at nagsasama sa isang bubong?" saad nito kaya napatawa nalang ako at umiling.
Naglakad lang kami ni Carding habang nakaakbay pa din ako sa kanya. Naiwan si Tatay Tiago sa mansion at sinabihan ko siya kanina na magpahinga na muna siya.
Una naming pinuntahan ay ang bilihan ng damit at pinasukatan ko si Carding. Pilit pa itong tumatanggi na ayaw niya at wala siyang pera pero sa huli ay ako pa din yung nasunod.
Matapos doon ay pumunta kami sa bilihan ng pluma at papel. Dalawa yung binili ko tag isa kami ni Carding. Tuwang-tuwa siya ng sabihin kong tuturuan ko siyang magbasa at magsulat.
Masaya kaming lumabas ng tindahan matapos mamili at nagpasya na mamalengke muna. "Gusto mo bang makatikim ng masarap na pagkain?" Tanong ko kay Carding habang nilalagay sa bayong yung mga pinamili namin kasama na yung harina na siyang gagamitin ko mamaya.
"Opo señorita. Sa lahat po ng mga niluluto niyo ay paborito ko sapagkat ang sasarap ng mga ito" saad pa nito kaya napangiti nalang ako sa kanya at agad na nilagay yung mga pinamili namin.
Sobrang dami yung dala namin ni Carding habang naglalakad. Wala din kaming maupahan na karwahe dahil wala ng bakante at lahat ay naupahan na. No choice kundi ang maglakad ng maraming dala.
"Binibining Corazon?" Napatingin ako sa lalaking lumapit sa amin. Agad nitong hinubad yung sumbrerong de copa niya at itinapat ito sa kanyang dibdib bilang pag galang.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...