"Cala hindi pa ito ang tamang oras para bumalik ka"
"Cala! Gumising ka!"
"Cala!!!"
(Gasp)
AGAD kong inalis yung puting telang nakatakip sa mukha ko at mabilis na napaupo habang naghahabol hininga. Unti-unti ko ding naramdaman yung pananakit ng katawan ko at panghihina nito.
Naibaling ko ang tingin sa paligid ng sumagi sa isipan ko ang pagtawag sa akin ni Ginang Theresa. Muli ding bumalik sa alaala ko ang huling tagpo na nakita ko at narinig na kung saan ay nakabalik na ako sa totoong mundo.
Siguro imagination ko lang yun dahil sa ngayon napagtanto kong nandito naman ako sa silid ko.
Napadako ang tingin ko sa bintana na unti unting kong naramdaman yung malamig na simoy na hangin na pumapasok. Saka ko lang din naalala yung huling nangyari na kung saan ay nasaksihan ko ang nangyari kay aling Gloria at matapos nun ay nawalan na ako ng malay.
Nanikip muli ang dibdib ko kung kaya't agad akong napahawak dito habang unti unting naglalakad papalabas ng silid ko. Kailangn kong malaman kung ano ang nangyari ng mawalan ako ng malay. Nakapagtataka din kung bakit paggising ko kanina ay nakatakip yung puting tela sa buong katawan ko.
B L A G!!!
"HINDI KITA MAPAPATAWAD MANUEL! IBINILIN KO SAYO NA ALAGAN MO'T PROTEKTAHAN ANG ANAK KO PERO ANONG GINAWA MO?! WALA! DAHIL SAYO KAYA NAWALA ANG ANAK KO!!!"
Nagulat ako ng madinig yung sunod sunod na kalabog at sigaw ni Don Wilfredo. Nadinig ko din yung pagpapalitan ng mga salita nina Dony Solidad at Donya Consolasion kung kaya't alam kong may kaguluhan na nangyayari.
"MAY GANA KAPANG MAGPAKALASING MATAPOS ANG NANGYARI! ANONG KLASE KANG ASAWA!"
Pagkarating ko sa hagdan ay gulat akong makitang nakaupo si Manuel sa sahig habang nasa harap naman niya si Don Wilfredo na siyang galit na galit. Ganundin si Donya Consolasion na siyang nandito din at panay ang pagtatangol sa kanyang anak.
Teka, bakit sila nagkakagulo? Ano ba ang nangyari?
Agad ko ng binilisan na bumaba ng hagdan at hindi mapigilan na mapasigaw ng makitang aakto muli si Don Wilfredo na susuntukin si Manuel.
"Ama! Anong nangyari? Bakit mo sinasaktan si Manuel?"
Patakbo na akong kumilos at mabilis ng makababa. Bumungad sa akin ang mga gulat nilang reaksyon at kasunod nun ay pagsalubong sa akin ni Donya Solidad ng kanyang mahigpit na yakap habang umiiyak ito. Muntikan pa kaming matumba dahil sa pwersa ng pagyakap niya.
"Anak, totoo ba ito? Hindi ba ito isang panaginip?" umiiyak na usal niya sa akin habang patuloy pa ding umiiyak.
Walang salitang lumabas sa bibig ko at sa halip ay tinugunan nalang ang yakap ng isang ina na sobrang nag-aalala. Sobrang init ng yakap niya kung kaya't hindi ko mapigilan na maalala si mommy.
ಥ_ಥ
BLAG!
Ibinaling ko ang pansin sa paligid namin ng marinig ang kalabog na yun. Nagtaka akong makitang wala na si Don Wilfredo at sa paghihinuha ko ay dali dali itong umalis.
Nakita ko ding naging kalmado na ang mukha ni Donya Consolasion habang inaakay si Manuel na ngayon ay wala sa sarili dahil sa sobrang kalasingan.
"Anak..." napatingin ako muli kay Donya Solidad ng unti unti siyang kumalas sa pagyakap sa akin. Pilit akong ngumiti at agad na pinunasan yung luha sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...