KINABUKASAN pagkagising ko ay wala na si Manuel kung kaya't agad akong nangunat. Tinanggal ko pa yung malaking unan na nilagay ko sa gitna kung kaya't malaya akong nagpagulong gulong sa kama. Napatigil pa ako ng maamoy ko siya sa higaan hanggang sa namamalayan ko nalanga ng sarili ko na parang timang na nakangiti.
Agad kong sinampal yung mga pisnge ko sa kahibangan na ginagawa ko. Gosh sobrang weird ko na talaga! Lumalandi na ako nakakaloka! I kannat!
Pumasok din sa isip ko yung naging pag-uusap namin matapos naming pumasok muli sa bahay. Hating gabi na din kami natapos mag-usap kung kaya't nakapagtataka lang dahil sobrang aga niyang pumasok. Alam kong puyat yun. Feeling ko tuloy ka gabi ay nagkakalate night talks kaming dalawa kahit na walang label, char. Sila kasi ni Corazon yung may Label at hindi sa akin.
Nagpaturo pa siya ng kung-ano ano at nagpatulong siya sa akin sa mga bagay bagay tungkol sa mga ginagawa ng mga alkalde sa kasalukuyan. Natuwa din ako sa kanya kasi pumayag siya sa sinabi kong plano na magpatayo siya ng munting paaralan para maturuan ko yung mga bata.
Tumayo na ako ng maalala ang bagay na yun. Ngayon kasi ako magsisimulang anyayahin ang mga bata sa bayan kung kaya't maliligo muna ako bago umalis. Hinanda ko muna yung mga gagamitin kong damit at agad na pumasok sa palikuran at naligo. Hindi na ako nagtagal, ganun talaga walang may nagtatagal maging relasyon namin. Ops pasmado. Kasalanan to ni John! Dahil sa kanya humuhugot na naman ako! Matapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at nag-ayos. Yung simpleng bestida nalang yung sinuot ko at naglagay ng palamuti sa buhok habang nanatili naman itong nakalugay.
Pagkababa ko ay nakita ko si Ginang Laura na naglilinis kung kaya't nag-aalangan akong batiin siya. "Kumain po muna kayo Señorita" ani nito kaya tumango nalang ako at agad na pumunta sa hapag para kumain. Matapos kong kumain ay agad na akong tumayo para sana hugasan yung kinainan ko ng harangan ako nito. "Ako nalang po ang bahala niyan Señorita" ani nito kaya ngumiti nalang ako at hinayaan siyang kunin yung plato sa akin. Sobrang sarap talaga sa feeling na hindi ikaw yung maghuhugas.
"Nga po pala, ano ang gusto niyong pananghalian mamaya?" tanong pa nito sa akin kung kaya't napaisip ako. "Kahit ano nalang po, kayo na ang bahala Ginang Laura" saad ko sabay kuha ng pilak sa bulsa ko ng pigilan ako nito. "Huwag na po señorita sapagkat may ibinigay na napera si Señor" napatango nalang ako sa kanya at agad na naglakad papalabas.
Hindi na ako nag-abalang sumakay ng karwahe tutal e' wala din namang kutsero at kabayo kung kaya't lakad lakad nalang. Habang naglalakad pa ako ay may nakasabay akong dalawang ali na sobrang bagal maglakad daan at panay chismisan kung kaya't napairap nalang ako sa kawalan. Kasali na talaga sa kultura natin ang chismisan. Hayst.
"Alam mo ba ang bagong usap-usapan ngayon tungkol sa alkalde?" napantig ang tenga ko ng madinig ang salitang alkalde at batid kong si Manuel yung tinutukoy nila kung kaya't palihim akong nakinig sa usapan nila. Lumapit pa ako ng kaunti para lang madinig ng malinaw ang bawat detalye ng chismis nila.
"Ahh oo, alam ko na yun. Yung tungkol ba sa pagdala ng alkalde sa kirida niya sa mismong bahay nila ng kanyang asawa?" agad naman napatango yung babaeng kasama niya kaya nagulat ako. Napagtanto kong yung tinutukoy nila ay yung pagtira ni Dahlia sa bahay namin ni Manuel. Batid ko ding alam na din yun nila ina dahil syempre ang daming chismosa. Ika nga nila may pakpak ang balita, may tenga ang lupa. Hayst. Kaya pala problemado si Manuel kagabi, siguro'y kalat na iyon sa buong bayan.
Hindi ko naman masisi si Manuel na ginawa niya iyun dahil sa unang rason na ako---este si Corazon naman talaga yung humadlang sa pag-iibigan ng dalawa at gumawa siya ng paraan para lang maitali sa iniibig niya. Hindi din kasi alam ng mga tao yung buong katotohanan kung kaya't si Manuel lang ngayon ang nakikita nilang mali at isinisisi ang lahat.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...