LUMIPAS na ang ika dalawangput tatlo na araw ng buwang kanggarasol (septiembre) ngunit hindi pa din ako nakakatanggap ng liham mula kay Manuel kung kaya't hindi ko mapigilan na mag-alala.
Minsan din ay nagsusulatan kami ni ate Josefina upang kumustahin kung sumulat ba sa kanya si Kuya Rolando pero wala din. Maging siya ay walang balita kung kaya't labis din ang pag-aalala nito. Sa ngayon ay nasa Manila si Josefina upang mas lalo siyang maalagaan ng kanyang ina.
"Magandang araw Seniorita. Maari ba?" napatingin ako sa kakarating lang na si Miguel. Tinatanong din nito sa pamamagitan ng kanyang tingin kung ayos lang sa akin na halikan niya ang kamay ko bilang pagbati.
Ngumiti nalang ako sa kanya bilang tugon sa pag sang-ayon ko. Agad naman nitong hinalikan ang kamay ko. Naninibago din ako sa ayos niya ngayon sapagkat nakasanayan ko na ding makita siyang palaging nakasuot ng puting polo na may mahabang manggas. Sa ngayon kasi ay ang ayos nito ay katulad ng mga mararangyang tao sa Europa.
Pagkababa din ni Ina ay kanya din itong binati. Sabay-sabay kaming pupunta ngayon sa tahanan nila Don Costavo dahil sa isang selebrasyon daw na siyang ibinigay noong nakaraang araw.
Ayaw ko ngang pumunta doon dahil si Don Costavo naman yung kontrabida sa buhay ni Manuel pero sadyang mapilit talaga si Donya Solidad. Palagi niyang sinasabi na mas mainam ang ganitong mga okasyon upang mas mapalawak pa ang koneksyon sa bawat nakakataas. Hayst.
Plastikan pala ang labanan dito.
(--__--')
Pagkalabas namin ay naroroon na ang dalawang kalesa. Dalawang tao lang kasi ang kayang maisakay ng kalesa kung kaya't napatingin ako kay Donya Solidad.
"Anak, mauna na kayo. Dito nalang ako sa isang kalesa" ani nito at agad na lumapit doon sa isang kalesa. "Mag-iingat po kayo Ina" tugon ko at agad na lumapit sa gawi ni Miguel na kung saan ay nakatayo na siya malapit sa kalesa.
Inalalayan ako nitong makasakay ng kalesa kung kaya't hindi ko mapigilan na mapangiti dahil likas talaga sa kanya ang pagiging maginoo.
"Mang Rene, pakibagalan lang po ang takbo ng ating kalesa sapagkat masyadong malubak ang daan. Ako'y nangangamba na baka ikapahamak pa ito ng aking pamangkin" paki-usap nito kung kaya't nakaramdam na naman ako ng pagka-ilang sa kanya. Simula kasi ng mangako itong aalagaan at proprotektahan niya ako ay naging super overprotective na siya at mas lalo akong naiilang kapag sinasabi niya ang salitang 'pamangkin'
Sa sobrang lutang ka sa buong biyahe namin ay hindi ko namamalayan na nakarating na pala kami. Napagtanto ko nalang ng makita ko si Miguel na nasa baba habang inaabot nito ang kanyang kamay sa akin upang maalalayan akong bumaba. Para tuloy akong tanga na nakatulala. Nahuli ko pa ang pagtawa nito kaya pinaningkitan ko siya ng tingin.
Napatingin ako sa kabuohan ng bahay na nasa harap namin. Sobrang laki nito hindi tulad ng inaasahan ko. Halatadong marami na din ang nanakaw na pera sa kaban ng bayan. Char.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...