HULING araw ngayon ng kapistahan. Madaling araw pa lamang ay madidinig muna ang mga umiikot na mga banda ng musiko sa kalsada. Sa araw ding ito ay siyang alis rin nila Manuel.
Napatitig ako sa kanya na ngayon inaayos ang kanyang uniporme. Sinabi niya sa akin na isang linggo lang sila doon at babalik din agad kung sakali mang maayos ang gulo.
Napag-alaman ko din na si Samuel pala ay naging kanang kamay na ni Manuel na siya din namang tinutulan nina Kapitan Gimo at Don Costavo ngunit wala silang magawa dahil pinatunayan ni Samuel ang kayang kakayahan sa pamamagitan ng pagsubok.
Napatayo na ako at napasilip sa bintana ng madinig ang pagdating ng kalesa. Nakita ko din sa baba na nandoon na silang lahat at si Manuel nalang ang hinihintay.
Lumingon ako ng maramdaman ang yakap ni Manuel mula sa likod ko. Agad ko siyang hinarap habang inaayos ang kwelyo niya. "Basbasan mo ako sa aking pag-alis" ani pa niya.
Napabuntong hininga nalang ako at agad na hinawakan ang kamay niya. "Binabasbasan kita sa iyong pag-alis, Manuel. Paki-usap umuwi ka ng ligtas. Maghihintay ako" kinuha niya ang kamay ko at agad itong hinalikan habang nakangiti.
"Pangako" anang niya kung kaya't mabilis ko siyang binigyan ng halik sa labi at naunang bumaba dahil nakakahiya.
Pagkababa ko ay sumalubong agad sina Donya Solidad at Consolasion. Panay yung pangumusta at pagpapaalala sa akin ni Donya Consolasion tungkol sa pagbubuntis ko kung kaya't nabagot ako dahil sa paulit-ulit nalang naman niya iyon sinasabi.
Mabuti nalang talaga at nagchikahan na sila ni Donya Solidad kung kaya't mabilis akong lumapit kina Samuel.
"Uy Samuel" tawag ko sa kanya kung kaya't napalingon ito sa gawi ko. "Naks, ibang-iba kana ha, hindi na kita ma reach" natatawa kong saad ng makita ang kabuohan niya. Sobrang ganda kasi ng suot nito at hindi nababakas na minsan siyang naging mahirap.
"Mag-ingat kayo. Umuwi kayo ng ligtas" saad ko pa sa kanya. Napakunot-noo nalang ako ng makitang namumula yung tenga niya.
"Anak, mag-iingat kayo"
Bumaba na si Manuel kung kaya't agad siyang sinalubong. Kasabay din nun ang pagdating ni Don Arsiño para basbasan ang anak.
"Kuya mag-iingat kayo" saad ko kay Kuya Rolando ng makalapit ito sa amin. Agad naman nitong ginulo ang buhok ko katulad ng nakahiligan niyang gawin. "Ikaw din mag-iingat ka dito. Huwag ka ng maging pilya at gumawa ng mga bagay na ikakapahamak ko. Tandaan mong dalawa na kayo ngayon kaya mag-iingat ka" dagdag pa niya kaya agad akong napatango habang nakangiti.
Sobrang ideal niyang kuya kaya kahit papaano ay nasisisyahan akong maranasan sa panahong ito ang pagkakaroon ng katulad niyang kapatid.
"Araw-araw susulatan kita. Aalis na kami" ani ni Manuel kung kaya't napatango nalang ako habang nakasunod ang tingin sa kanila na papasok sa karwahe.
HAPON na ng dumating si Donya Solidad sa bahay. Simula kasi sa araw na ito ay dito na muna siya mamamalagi para may makasama ako. Maging si Lilita ay pinaki-usap ko kay Donya Consolasion na dito na muna sa bahay para may makakausap ako kung kaya't laking pasalamat kong pumayag siya.
Wala kaming ibang ginawa kundi ang maglaro, mag-aral at magliwaliw sa buong bahay dahil sa sobrang pagkabagot. Nandito din si Carding at kasama namin kung kaya't kahit papaano ay nalilibang din ako.
Napapadalas na din naman yung pagduduwal ko at pagsakit ng ulo ko kung kaya't minsan sa kalagitnaan ng paglalaro o pag-aaral namin ay nakakatulog ako.
Sabay-sabay na din kaming kumain at katabi ko din si Lilita na matulog kung kaya't sobrang saya nito.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...