K A B A N A T A 17

74 3 0
                                    

"M-Manuel" bulaslas ko ng makalapit na siya sa akin. Nakasuot siya ngayon ng simpleng damit, bagay na hindi ko nakita sa kanya noon. Siguro nga'y kung hindi ko siya kilala ay aakalain kong isa lamang siyang magsasaka.

"Magandang gabi" saad niya at agad na tinapat sa kanyang dibdib ang sumbrero de copa na kanyang suot. Napakunot-noo nalang ako sa harapan niya dahil kahit kailan man ay hindi ko siya nadinig na binati ako at ngayon lang.

Napaiwas nalang ako ng tingin ng maalala kong galit pala ako sa kanya lalo na sa mga pinagsasabi niya. Hayst. Naalala ko na naman tuloy si Dahlia at ng dahil sa babaeng yun ay naalala ko ulit ang masalimoot na nangyari kay mingming.

"Ano bang ginagawa mo dito" iritado kong saad at agad na naglakad papalayo sa kanya. Naramdaman ko naman yung pagsunod nito sa akin kung kaya't mas binilisan ko yung paglakad para makalayo.

"Batid kong natanggap mo ang aking liham" napatigil ako sa paglalakad ng madinig yun. Agad ko siyang nilingon at natawa nalang dahil siya pala yung taong nagpadala nun.

"Kaya pala hindi romantic yung laman ng liham kasi galing pala sayo. Hayst nakakaloka ka talaga. Pabigay bigay pa ng love letter e' wala namang love doon. Kahit kailan ay hindi mo naman talaga minahal si Corazon" bulaslas ko sa harap niya habang pahina na ng pahina yung boses ko ng sabihin yung huli.

Napaatras pa ako ng kaunti ng hindi ko namamalayan na nasa harapan ko na pala siya. Umaakto pa itong hahawakan ako kung kaya't agad akong umatras hanggang sa naramdaman ko nalang na mahuhulog na pala ako sa ilog.

Napasigaw nalang ako at napangiti nalang din ng umakto si Manuel na hablutin ako para hindi ako tuluyang mahulog yung tipong na parang isa sa mga eksina sa nakakakilig na palabas na yung girl mahuhulog tapos hahablutin siya ng boy tapos bigla silang magyayakapan. Gosh!







Splash!

(☉。☉)!









Tuluyan akong napabalik sa realidad ng mararamdaman ko yung pagbagsak ko sa malamig na tubig at saka ko lang napagtanto na hindi pala naabot ni Manuel yung kamay ko kung kaya't tuluyan akong bumagsak.

"Argh! Nakakainis ka! Bakit hindi mo ako inabot!" bulyaw ko kay Manuel ng lumapit ito sa akin para tulungan akong tumayo. Hindi ko tinanggap yung pag-alok niya sa kamay niya at kusa nalang tumayo. Basang basa talaga ako lalo na't medyo malalim yung ilog. Nabigatan pa ako sa suot kong kimona dahil sa makapal nitong tela kung kaya't nawalan ako ng balanse sa pagpwersa ko at natumba ulit. Pero sa ngayon ay hindi na ako nag-iisa. Nahablot ko yung damit ni Manuel at sabay kaming nahulog. Tumama pa yung ulo niya sa noo ko kung kaya't ramdam na ramdam ko yung sakit huhu nabukulan yata ako.



"Bakit mo ako hinablot!" inis na bulyaw sa akin ni Manuel kung kaya't inis ko din siyang tinignan at hindi nagpatalo. "Ikaw nga itong naunang hindi humablot sa akin kaya nahulog ako! Syempre damay damay na!" Bulyaw ko sa harap niya. Napatigil nalang ako ng mapagtanto ko yung kalagayan namin. Nasa ibabaw ko siya at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Hindi ako makagalaw ng mapadako ang tingin niya sa labi ko. Hindi ko siya magawang matulak at tila naging tuod ako sa harap niya.

"Señor!"

Sa sobrang gulat ko sa sigaw na iyun ay agad kong natulak ng malakas si Manuel kung kaya't natumba ito. Pinilit kong palakasin ang katawan ko para lang makaalis sa ilog na yun habang nakakapit sa saya kong suot na ngayon ay mabigat na dahil sa pagkabasa nito.

"P-Pasensya na po sa nagawa kong pag-abala sa inyo Señor" napatingin ako sa lalaking lumapit kay Manuel at tinulungan itong tumayo at umahon. Nakita ko pa yung masamang tingin ni Manuel dahil sa ginawa ko sa kanya kung kaya't agad akong napaiwas.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon