Hi guys! Flashback to kadugtong ng nasa kabanata 11
(◕ᴗ◕✿)
________________HINDI natuluyan si Corazon ng magtangka itong kitilin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paghiwa ng kanyang pulso sapagkat agad siyang nakita ng kanyang mga magulang kung kaya't agad nilang pinatawag ang isang doktor na si Ginoong Edmondo.
"Mabuti nalang at hindi gaano kalala ang natamo niyang sugat sa kamay. Mayamaya ay magigising na rin siya" paliwanag pa ng doktor at agad na nilagyan ng tela ang sugat nito. Sa mga oras na iyun ay naalimpungatan si Corazon at agad na napahawak sa sugat nito ng maramdaman ang paghapdi.
"O' gising na pala ang binibini" napatingin siya sa isang lalaking may katandaan na nakasuot ng puting pulo na may mahahabang manggas na si Ginoong Edmondo.
Agad namang nilapitan ni Donya Solidad ang kanyang anak at agad itong yinakap sa sobrang pag-aalala nito. Hindi naman napigilan ni Corazon ang maiyak habang nakayakap sa kanyang ina. Sobrang bigat ng nararamdaman nito ngayon ngunit ng yakapin siya ng kanyang ina ay waring naging magaan na ang lahat.
"Wala ka na talagang ibang ginawa kundi ang bigyan kami ng sakit ng ulo Corazon! Tapos ngayon ay nagawa mo pang saktan ang iyong sarili! Anong nangyayari sa'yo!" Sigaw ni Don Wilfredo na siyang umalingawngaw sa loob ng kwarto. Natakot si Corazon sa galit niyang ama kung kaya't mas lalo itong napahagulhol.
"Mahal, huminahon ka. Pabayaan na muna natin si Corazon... bata pa siya at hindi niya pa alam ang kanyang ginagawa" Pilit namang inaawat ni Donya Solidad ang kanyang asawa kung kaya't napahawak nalang ito sa kanyang ulo sa sobrang inis at napagpasyahang umalis sa silid na iyun.
"P-Patawad po I-Ina" bulaslas ng dalaga habang patuloy pa ding umiiyak kung kaya't agad na inabot ni Donya Solidad ang panyo at agad na pinunasan ang luha ng kanyang anak. "A-Anak, batid mo naman diba na kapag ika'y may problema ay nandito lang kami...kung kaya't sana'y huwag mo na ulitin ang ginawang mong ito. H-Hindi namin makakayang mabuhay ng wala ka" ani pa ng kanyang ina na siyang tuluyang nagpahagulhol kay Corazon sapagkat sa araw na ito'y pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng kakampi.
Lumipas ang mga araw ngunit nanatili pa ding nakakulong si Corazon sa kanyang silid sapagkat pinagbawalan siya ng ama nito na kumabas. Nanatiling nakasubsob si Corazon at minsa'y umiiyak habang inaalo naman ito ng kanyang ina.
Naibaling nila ang pansin ng pumasok sa silid si Aling pasing na siyang katiwala nila sa mansyon. Nag hahabol hininga ito habang nakahawak sa dibdib nito at agad na itinuro ang labasan. Sa mga oras na iyun ay nakaramdam ng kakaibang kaba sina Corazon sapagkat batid nilang isa iyung masamang balita.
Patakbo silang bumaba at agad na lumabas. Sumalubong sa kanila ang mga umaabot sa sampung sundalo habang may bitbit na isang malaking banig na kung saan ay kapansin-pansin na may nakabalot na katawan doon. Nagulat pa si Corazon ng makita muli si Manuel at maraming mga sugat ang katawan nito. Dahan dahan itong lumapit sa Donya habang hawak nito ang unipormeng sundalo nila at agad na napayuko para magbigay galang sa biyenan.
"P-Patawad" bulaslas ni Manuel bilang isang Heneral ng kanilang hukbo na siyang simbolo ng pagkawala ng isa sa mga kasapi nila sa militar. Nanlaki ang mga mata nila ng mapagtanto ang nangyari. Tuluyan namang nagbagsakan ang mga luha sa mga mata ni Corazon habang nakatingin sa kanyang ina na agad na tumakbo doon at binuksan ang banig na nakabalot sa katawan ni Ginoong Rolando na kanyang kuya.
Maraming tama ng baril ang katawan ni Rolando at sadyang kaawa-awa ang kalagayan nito kung kaya't agad na nawalan ng malay si Donya Solidad habang dahan dahan namang lumapit doon si Corazon at agad na napahagulhol habang nakahawak sa kamay ng malamig na bangkay na kanyang kuya. Hindi maawat ang pagtulo ng luha sa mga mata nito at maging ang paninikip ng dibdib niya. Sa kanilang lahat na magkakapatid ay kay Ginoong Rolando siya mas lalong malapit ang loob kung kaya't sobrang ito para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...