K A B A N A T A 45

32 2 0
                                    

Hindi ko akalaing matatagpuan ko muli ang sarili kong umiiyak ng ganito katulad noong araw ng pagkawala ng pamilya ko.

Natatakot ako. Hindi ko kayang makitang may masamang mangyari sa anak ko.

Paki-usap. Tulong!

BOGSH!

Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang gulat ng madinig ang malakas na pagsabog. Sa pagkakataong iyon ay dali-dali kong sinuot ang bistida at napaurong palayo sa matanda habang umiiyak na napayakap sa sarili ko.

Nadinig ko din ang pagkakagulo sa baba at maging ang mabilis na pag-alis ng karwahing gamit kanina ng Visitador-Heneral na iyon kung kaya't batid kong umalis na ito.

"Paki-usap maawa ka sa amin ng aking anak" pagmamakaawa ko sa matanda ng makita ko siyang lumapit sa akin. Naiiyak naman itong yumuko sa harap ko habang nanginginig ang kamay.

"P-Pasensya na seniorita ngunit ang buhay ko naman ang manganganib kung hindi ako sumunod" ani niya habang pilit muli akong pinapahiga kung kaya't buong lakas ko siyang tinulak dahilan nang kanyang pagkatumba.

Sa pagkakataong iyon ay mabilis kong kinuha sa higaan ang talukbong na ibinigay ni Manuel sa akin at mabilis na tumakbo papalabas.

Hindi ko na alintana yung pananakit ng katawan ko basta ang mahalaga lang ay ang mailayo ko ang aking sarili sa pamamahay na ito sapagkat batid kong hindi ako titigilan ni Solidad hanggat hindi nawawala ang batang to sa sinapupunan ko.

"CORAZON! BUMALIK KA DITO!" dinig ko pang sigaw nito mula sa ikalawang palapag ng tuluyan na akong makalabas sa tarangkahan.

Hindi ko mapigilang maiyak habang tumatakbo sa gitna ng madilim na daan. Hindi ko akalain na ganito lang kahahantungan ng lahat. Hindi ko inaasahan na ganitong ina si Solidad na siyang taliwas sa katauhan niyang pinakita noong una.

Sinong matinong ina ang ipapakunan ang kanyang anak para lang matawag na dalaga.

BLAG!
BANG!

Mabilis akong napatakip ng tenga ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Nakikita din sa malayo ang isang malaki at makapal na usok kung kaya't batid kong nagkakaroon na ng kaguluhan.

"Tulong"

Namamaos kong usal ng maanigan ko ang isang karwahing nagkukuripas ng takbo. Laking pasalamat ko ng bumagal ito hanggang sa tumigil sa harapan ko.

"Nais mo bang magpakamatay?!"

Napaangat ako ng tingin ng madinig ang boses na iyon. Kapwa kami nagulat sa isat-isa ng makilala kung sino yun.

Dahliah.

"Kita mo nga naman at kay hilig talagang mag-biro ng tadhana" mataray niyang saad sa akin at kasabay nun ay ang pagsuri niya sa kabuohan ko.

Wala na akong pakialam kung ano man ang sabihin niya sa akin sapagkat isa lang ang prioridad ko ngayon at yun ay ang makaligtas dito.

"T-Tulungan mo ako...paki-usap" pagmamakaawa ko sa kanya habang nakahawak sa umbok ng tiyan ko. Patuloy ding yumayakap sa akin ang malamig na simoy ng hangin kung kaya't halos mangatal na ang bibig ko sa lamig.

"Mahahabaging langit! Hindi ko akalain na darating ang araw na ito. Sadyang kay dali talagang dumating ng karma" natatawa nitong saad habang tinatakpan niya ang kanyang bibig ng abanico kung kaya't pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Napansin ko din ang mga kagamitan na lulan ng kanyang karwahe kung kaya't mukha siyang maglalayas sa kung saan.

"Pasensya na't ngunit mali ka ng taong nalapitan at sadyang sinasayang mo lang ang aking oras. Sa katayuan mo ngayo'y mas lalong nakakahiya ka" asar pa nitong saad sa akin. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hablutin sa akin ang talukbong na suot ko.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon