BUMUHOS ang malakas na ulan kasabay ng pag lubog ng araw. Nanatili akong nakahiga sa kama habang nakatuon lang ang tingin sa bintana. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay siya ring paglabasan ng mga luha ko.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Nag-aalala ako sa posibilidad na baka may masamang nangyari sa akin at sa batang dinadala ko. Nadinig ko din mula sa baba ang pagkakagulo nila kung kaya't hindi ko mapigilan ang maging emosyonal. Dahil sa paglabas ko aybnangyari ang bagay na ito. Iniisip ko palang ang magiging reaksyon ni Manuel ay naiiyak na ako.
"Corazon"
Mabilis akong napapunas ng luha ng marinig iyon. Nabigla nalang ako ng makita ang mukha ni Miguel na kung saan ay may mga pasa ito.
"M-Miguel. Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong at tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.
Tila naging tuod ang katawan ko ng salubungin ako nito ng yakap. Sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan, hindi ito naging balakid para hindi ko madinig ang mahihina niyang hikbi.
"P-Patawad kung hindi kita gaanong naprotektahan. Labis akong nag-alala" ani pa nito kung kaya't nagsilabasan na naman ang mga luha ko dahil parang tama ang hinala ko.
"K-kumusta ang aking anak?" Buong loob kong tinanong kahit na batid ko na ang sagot kung kaya't mas lalo akong naiyak.
"Tahan na" saad niya sabay abot sa akin ng panyo. Medyo napa-ismid pa ako dahil sa naging tugon niya. Paano ako tatahan kung iniisip kong nakunan na ako!
(╥﹏╥)
"Salamat sa diyos at maayos ang inyong kalagayan. Tunay ngang isang anghel ang batang iyan"
Umurong ang mga luha ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "Ibig sabihin hindi ako nakunan?" tanong ko sa kanya kung kaya't agad itong tumango habang nakangiti.
Laking pasalamat ko sa naging tugon niya. Naibaling din naman ang tingin namin sa pinto ng pumasok si Donya Solidad kasama din si Donya Consolasion.
"Anak! Kumusta ang iyong pakiramdam?" sabay pa nilang tanong sa akin kung kaya't napangiti nalang ako. "Maayos lang ako Ina. Patawad na din kung hindi ako nag-iingat"
"Tiyak na mag-aalala si Manuel kapag malaman ito" saad naman ni Donya Consolasion kung kaya't agad akong napanguso at napahawak sa mga kamay nila. "Kaya nga po makikiusap ako na sana'y hindi na ito makarating kay Manuel. Matinding pasanin ang kanyang kinakaharap ngayon laban sa mga tulisan kung kaya't ayoko ng dumagdag" napabuntong sila sa sinabi ko. Maging si Miguel ay sumang-ayon nalang sa akin.
"O' siya, sge. Hindi na ito makakarating kay Manuel" ani ni Donya Solidad kung kaya't agad akong napangiti sa kanilang dalawa.
Agad nagpahanda ng makakain si Ina habang nagpatawag naman si Donya Consolasion ng mauutusan para bumili ng prutas kung kaya't naiwan muli kaming magkasama ni Miguel.
Naghari ang katahimikan sa buong silid. Siguro ay nailang siya kung kaya't agad itong tumayo at nagsimulang ligpitin ang kanyang kagamitan sa dala niyang maleta.
"Miguel, halika't ako naman ang gagamot sayo" saad ko dito at agad na kinuha sa kanya ang panglinis ng sugat. Nag-aalangan pa ito at tatangi kung kaya't hinatak ko na siya paupo.
Sinimulan ko ng gamutin ang mga sugat niya sa mukha. Hindi ko din mapigilan na mainis ng makita yung mga sugat na natamo niya.
Nakakainis ang mga lalaking yun! Yung gwapong mukha pa talaga ni Miguel yung sinugatan nila!
(˵•̀෴•́˵)
"Pasensya kana sa nangyari Miguel. Dahil sa akin ay napahamak ka pa---" malungkot kung saad habang ginagamot siya.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Tiểu thuyết Lịch sửSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...