HINDI maawat ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Aling Gloria ng malaman ang buong katotohanan tungkol sa likod ng nangyaring aksidente kay Samuel na kung saan ay muntik na itong bawian ng buhay dahil sa pagkalunod sa dagat.
Ngayon palang bumabalik ang alaala ni Samuel kung kaya't dito niya palang na ikwento ang bagay na iyun. Puno din ng mga katanungan ang mukha ng binata sapagkat hindi siya makapaniwala na maaring tama ng ang kanyang hinala tungkol sa taong nasa likod ng insidente...si Donya Consolacion.
Kanyang naalala na bago ang insidente ay naglalakad siya nun papunta sa dalampasigan upang ihanda ang bangka para sa kanilang pagpalaot ng lapitan siya ng isang kubang lalaki na naki-usap kung maari ba siyang tumulong upang bitbitin ang mga mga pinamili nito sa mansyon ng Garliardo.
Napaisip sandali si Samuel habang nakatingin sa lalaki. Naalala nito ang habilin ng kanyang ina na umiwas sa mga Familia Garliardo kung kaya't nagdadalawang isip siya na tumulong. Nagtataka din siya kung bakit siya nito pilit na pinapaiwas sa mga Garliardo gayong wala naman siyang atraso.
Kalaunan ay pumayag na din si Samuel lalo na't naaawa siya sa kalagayan nito. Agad niyang binitbit yung mga dala nito habang nakasunod sa lalaking kuba na siyang naunang maglakad. Sa kanilang paglalakad ay pana'y lang ang kwento sa kanya ng lalaki na kung saan ay nabanggit nitong baguhan pa lamang siya sa Katbalaogan at laking pasalamat nito na sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagawa siyang tanggapin sa trabaho ni Donya Consolacion. Nagpakilala din ito na ang kanyang ngalan ay Juan.
Pagkarating sa Mansyon ay agad nilang pinasok ang mga pinamili papunta sa kusina. Ito ang unang pagkakataon na makapasok si Samuel sa mansyon ng Garliardo na siyang pag aari nina Donya Consolacion at Don Arsiño. Sobrang gara talaga ng lahat ng mga kagamitan sa loob kung kaya't hindi niya mapigilan na mamangha. Nang mailagay na niya ang mga bitbit niya ay agad nang nagpasalamat si Juan sa kanya at inalukan pa siya nito ng bayad pero agad siyang tumanggi.
Napatigil nalang siya ng may magsalita sa kanilang likuran at nakitang iyun si Donya Consolacion kung kaya't agad siyang napayuko at kinabahan. Batid niya ang ugali ng Donya kung kaya't hindi niya mapigilan na mangamba.
"Maraming salamat sa pagtulong sa kanya. Halika't saluhan mo ako sa pagkain" saad ni donya Consolacion sa kanya kung kaya't hindi ito makapaniwala sa narinig sapagkat ang inaakala niya ay magagalit ito sa panghihimasok sa tahanan.
"H-Hindi na po, salamat nalang Donya Consolacion sapagkat may inaayos din ako" alinlangan na saad ni Samuel sapagkat baka magalit ito sa kanyang tugon.
"Ginoo, paunlakan mo na ang anyaya ng Donya, p-paki-usap" saad pa ni Juan nang hindi makatingin sa kanya ng diritso kung kaya't nagtaka siya.
Naging mapilit ang dalawa kung kaya't pumayag nalang siya kahit na nag aalin-langan siya. Agad siyang pinaupo sa hapag kainan na kung saan ay pinahain na ng donya ang mga pagkain.
"Kumain kana Samuel" nagulat siya ng banggitin ng Donya ang pangalan niya. Hindi siya makapaniwala na ang isang mayaman ay kilala siya gayong isa siyang hampas lupa.
Nagsimulang kumain na si Samuel habang nasa tabi din niya si Juan na kasama sa pagsasalo. Nilagyan pa siya ng donya ng inumin kung kaya't agad siyang nagpasalamat at tumangi sapagkat hindi naman siya umiinom.
Ngunit hindi pumayag ang donya na hindi siya uminom kung kaya't sinunod niya nalang ang unlak nito upang makaalis na siya doon. Matapos niyang maubos ang inumin ay agad na siyang tumayo at nagpasalamat.
Hinayaan na siyang makaalis ng Donya kung kaya't agad na siyang lumabas. Habang tinatahak niya ang daan papunta sa dalampasigan ay unti-unti niyang naramdaman ang panghihina ng katawan niya at mabilis din naman iyung nawawala kung kaya't hindi niya nalang iyun inisip.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...