NANATILING nakasubsob ang mukha ko sa unan habang mugto ang mga mata. Sobrang init din ng pakiramdam ko dahil sa pagkabinat simula ng pagkauwi ko ka gabi.
Muli na namang bumalik sa isip ko ang tungkol sa alaala ni Corazon na siyang tunay na nangyari sa kanya noong hindi pa ako humihiling na bagohin ang kapalaran sa hinaharap. Hindi ko akalain na sobra palang naghirap si Corazon sa kamay ni Manuel kung kaya't iyak ako ng iyak dahil nasasaktan ako para sa kanya.
Matapos din ang tagpo namin ni Manuel kagabi ay agad akong umiwas sa kanya at pilit na lumalayo kahit na sobrang nanghihina ang katawan ko lalo na't sa alaalang iyun. Nanginginig din ang kamay ko sa sobrang takot sa kanya. Pagkarating namin sa bahay pilit kong hinanda ang sarili at agad na tumakbo papasok sa bahay at agad na nagtungo sa dati kong naging silid at agad itong kinandado.
Malinaw na nakita ko sa alaalang yun na ito din ang naging silid ni Corazon at palagi siyang umiiyak dito sa sulok sa sobrang pagpapahirap ni Manuel.
Nagsilabasan na naman yung mga luha ko sa mata habang naninikip din ang dibdib ko dahil sa alaalang iyun. Tanghali na pero nanatili pa din ako sa silid na ito at patuloy na umiiyak. Hindi din ako makaramdam ng gutom maliban nga lang sa mainit na nararamdaman ko dahil sa lagnat.
Wala din akong balak na makita muli si Manuel lalo na't nadagdagan pa ako ng rason para iwasan siya. Malinaw sa alaalang iyun na pinatay niya si Corazon kung kaya't batid kong na darating din yung araw na magagawa niya muli ito sa akin. History repeats itself naman diba?
Kahit na napagtanto kong malaki naman ang pinagbago ng mga nakalipas na nangyari sa pamamalagi ko dito sapagkat hindi na naman ako inalipin ni Manuel o di kaya ay umibig kay Miguel kung kaya't batid kong nabago ko na din ang kapalaran.
Pero kahit na ay natatakot pa din ako sa posibilidad na magawa ni Manuel sa akin lalo na't alam kong galit pa din ito sa nagawang kasunduang kasal sa amin.
Nabalik ako sa diwa ko ng makarinig muli ako ng sunod-sunod na katok. Panglimang beses ng pabalik pabalik ang pagkatok nila at pilit na akong pinapalabas upang kumain pero hindi ko sila sinagot o pinagbuksan manlang. Kanina din ay alam kong ginamitan na nila ng susi ito para buksan kung kaya't iniharang ko ang katawan ko doon para hindi nila iyun mabuksan.
"Corazon, ako ito" nabuhayan ako ng loob ng makilala ang boses na iyun kung kaya't dali-dali akong tumayo at agad na binuksan ang pinto. Naiyak akong muli at agad na sinalubong ng yakap si Ginang Theresa. Napatigil pa ako ng mapagtanto na kasama niya si Manuel kung kaya't nagtama ang tingin naming dalawa.
Agad akong napaiwas ng tingin at agad na hinablot si Ginang Theresa papasok sa kwarto. Isinara ko ang pinto kung kaya't naiwan siya sa labas at wala akong pakialam kung bastos man ang nagawa kong iyun.
"Bakit mo iyun ginawa? Hindi mo ba naisip na masama ang dating ng naging kilos mo" pa-saway pa na saad ni lola kung kaya't napanguso nalang ako at agad na naupo sa gilid ng kama.
"Kasalan ko bang ayaw ko siyang makita sapagkat sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya ay tanging ang mga kasamaan at pagpahirap niya lang kay Corazon ang nakikita ko" naiiyak kong saad. Nagiging emosyonal talaga ako sa araw na ito lalo na't hindi maganda ang pakiramdam ko.
Napa 'tsk' nalang si lola habang nakatingin sa akin kung kaya't muli akong ngumuso at pumulupot sa braso niya. "Lola naman eh! Bakit ang hilig niyong iwan ako dito. Sa tuwing may bago akong nalalaman ay saka ka lang magpapakita. Ghoster ka din pala" himutok ko sa kanya. Inakay naman ako nito at pinapahiga sa kama at agad na tinapat ang palad niya sa noo ko. Siguro ay naramdaman niyang mainit ako pumulupot ako sa kanya.
"Sira! Inihalintulad mo pa ako sa mga nakalandian mo sa online" natawa ako sa naging tugon ni lola. "Wala kaya akong kalandian" depensa ko pa pero muli itong napa 'tsk' sa akin.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...