NAALIMPUNGATAN ako ng madinig ang kalabog sa taas. Naramdaman ko din ang paggalaw ng barkong sinakyan ko kung kaya't batid kong nakalayag na ito. Buong akala ko ay abandonado ito, mabuti nalang at nagising na ako bago paman ako mahuli.
"Sa wakas ay nagtagumpay tayo sa pagpapasabog sa plaza at maging sa pagpatay sa kinakasama ng alkalde"
Natigilan ako ng madinig iyon. Batid kong si Manuel ang tinutukoy nila ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi nilang pagpatay sa kinakasama ng alkalde, eh ako naman yung asawa ni--- omg! Don't tell me---
Napatakip ako ng bibig ng pagsilip ko muli ay nakita ko ang hawak ng isa na talukbong na may mga bakas ng dugo. Yun yung talukbong kinuha sa akin ni Dahlia.
"Tiyak na masisiyahan ang pinuno na nagtagumpay tayo. Maari ring tumaas ang ating posisyon sa ating hukbo" ani pa ng isa habang tumatawa kung kaya't mas lalo akong nakaramdam ng takot. Sa sobrang pag-iwas ko sa kapahamakan ay mas lalo pa akong napunta sa pahamak.
Bakit ba nangyayari sa akin to?
(༎ຶ ෴ ༎ຶ)Agad akong humanap ng mapagtataguan ng makita kong papaunta sa direksyon ko ang isang lalaki. Isa itong silid na imbakan ng mga gamit kung kayat nahihirapan akong makahanap ng mapagtataguan.
Hindi ko mapigilan na maiyak nalang habang kinukuha ang isang tela at nagpasyang maupo sa kasuloksulokan at itinago ang aking sarili doon gamit ang tela. Kahit na masakit sa tiyan kapag ganito ang aking posisyon ay pinilit ko pa din para lang hindi ako mahuli.
Naramdaman ko ang yapak sa labas kung kaya't taimtim ako nanagdasal para sa kaligtasan namin. Nadinig ko din ang pagbukas ng pinto kung kaya't mas lalo akong kinabahan. Muntik pa akong makagawa ng ingay ng biglang humilab ang aking tiyan.
Laking pasalamat ko ng hindi na ito tumuloy sa pagpasok. Buong akala ko ay mapapanatag na ako, hindi pa pala sapagkat nagsimula na namang sumakit ang tiyan ko. Sobrang sakit. Hindi ko kaya.
Nanghihina din ang katawan ko kung kaya't hinayaan ko nalang ang sarili kong nakaupo doon. Napatakip nalang ako ng bibig sa tuwing nararamdaman ko ang paghilab ng aking tiyan.
Nangangamba ako sa tsansang anumang oras ay maari akong manganak kahit na hindi pa ito ang aking kabuwanan.
Hindi ko na namamalayan kung ilang oras ako nanatili hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagdaong ng barkong ito. Kasunod din nun ay ang sunod-sunod na yapak kung kaya't pinilit ko ang sarili na mapabangon upang mapasilip doon.
Natanaw ko ang mga kalalakihang iyon na may hawak na gasera at paalis sa barko kung kaya't napabuntong hininga ako.
Saka ko lang din napansin na naliligo na pala ako sa sarili kong pawis. Nagsimula na namang sumakit ang tiyan ko kung kaya't lumabas na ako sa silid na iyon.
Maaring bumalik pa ang mga iyon kung kaya't mas mabuti nang umalis ako doon pero nasaan ba ako?
Pagkalabas ko ay nakita kong isang itong isla na may kabundukan. Sobrang laki din ng buwan kung kaya't hindi mahirap na matignan ang paligid.
Dahan-dahan akong bumaba sa barkong iyon at nagpasyang maglakad sa ibang gawi habang nakahawak sa tiyan ko.
Muli ko na namang naramdaman yung sobrang sakit kung kaya't napaupo ako habang tinatakpan ang bibig ko upang hindi ako makagawa ng ingay.
Sobrang sakit na ng tiyan ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng sumuko.
Panginoon tulungan mo akong mailigtas ang anak ko.
Muli akong napabangon at dahan-dahang napaakyat sa tuktok ng bundok. Kailangan kong makahanap ng mapagtataguan. Kailangan kong maligtas.
Inabot ako ng mahabang oras hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na hangin. Pagkarating ko sa tuktok ay nakita ko na ang kabuohan ng isla. Sa harapan ng bundok nito ay matatanaw ang mga kubong may mga ilaw kung kaya't batid kong ito ang kanilang kuta. Pinaningkit ko ang mga mata ko para tignan mabuti ang mga tao sa baba ng mapansin kong karamihan dito ay mga nakatali habang sinasaktan kung kaya't napapikit nalang ako.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Narrativa StoricaSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...