ALAS dos na ng hapon ng umalis ako sa bahay at agad na nagtungo sa pagamutan. Naglakad lang ako at hindi naman gaanong mainit kaya maayos lang. Pagkarating ko ay agad akong sinalubong ng mga tao doon. Natutuwa silang makita ako kaya hindi mawala sa labi ko yung ngiti.
"Carding kumusta ang iyong pakiramdam?" saad ko dito ng tuluyan akong makalapit sa kanya. Ipinasok din pala siya dito kung kaya't agad kong tinignan kung may lagnat pa siya. Karamihan din sa mga may salit dito ay may mababa nalang na lagnat.
"Ate, ayos na ako sapagkat nandito kana" saad nito kaya napangiti ako lalo na't wala na siyang lagnat. Ibinaling ko din yung pansin kay Lilita na nasa tabi niya. Natutulog ito kung kaya't dahan dahan kong inilapat yung palad ko sa kanyang noo para tignan kung may lagnat pa ito. Medyo mainit pa din yung balat nito kung kaya't pinunasan ko siya gamit ang malamig na tubig.
"Ate maraming salamat sa pag-alaga niyo sa amin ni tatay. Malaki na ang utang na loob namin sa inyo ni Señor" napalingon ako kay Carding na ngayon ay nakangiti sa akin. Agad kong kinurot ang pisnge nito at ngumiti. "Walang anuman Carding. Parang isang kapatid na din ang turing ko sa iyo kung kaya't hindi ko hahayaan na kay mangyari sa inyo ni tatay Tiago" ngumiti si Carding ng malapad sa akin at umayos ng pagkakahiga. Dumating na din si Aling Gloria na siyang ina ni Lilita. Patuloy din itong nagpapasalamat sa akin katulad ng ibang mga magulang na nagbabantay din sa mga anak nila.
Nagpakulo din pala ng halamang gamot yung ilan sa mga magulang na naririto at agad itong ibinigay sa akin para ako ang magpainom sa mga pasyente. Sinuot ko din ang mask na itinahi ko kanina bago ako pumunta dito at agad na lumapit muli sa mga pasyente para painumin ng gamot at tignan yung kalagayan.
Sa pagkakabilang ko ay umaabot sa dalawang-pung bata yung pasyente at sampu naman yung may edad na. Hindi na din malala yung kalagayan nila kung kaya't kahit papaano ay napanatag na din ang kalooban ko. Basta kailangan lang talaga nila ay ang magpatuloy lang sa pag-inom ng gamot.
Matapos kong painumin ang lahat ay agad na akong tumayo. Nakasalubong ko pa si tatay Tiago at mabuti nalang dahil maganda na daw yung pakiramdam niya. Napako din ang tingin ko sa labas ng makarinig ako ng kumakaripas na takbo ng karwahe kung kaya't agad akong lumabas sa pagamutan. Tumambad sa akin si Kuya Rolando at ate Josifina na umiiyak habang bitbit yung anak nila.
"Señorita Corazon, paki-usap tulungan mo ang aming anak" tumatangis na saad nito sa akin kung kaya't dali dali akong nagpautos ng mahihigaan ng bata at agad itong nilagay doon. Umiiyak si baby Victorina at dahil yung sa mataas na lagnat kung kaya't agad kong pinunasan gamit ang malamig na tubig. Mabuti nalang talaga at marami pa yung katas ng tawa-tawa kung kaya't sa tulong nila Kuya Rolando at ang asawa niya ay napainom namin ang gamot sa bata. Sa una ay nahirapan kaming painumin ito dahil sa mapait na gamot. Mabuti nalang talaga at nandito sila.
Patuloy pa din yung lagnat ng bata kung kaya't hindi ako tumigil sa pagpunas dito. Nakatulog na din ito sa sobrang pagod sa pag-iyak. Nang kumalma na yung lagnat nito ay agad na akong tumayo at sinalubong ng yakap si Kuya Rolando.
"Maraming salamat kapatid, mabuti nalang talaga at nabalitaan namin na alam mo ang gamot ng lumalaganap na sakit ngayon kung kaya't mabilis kaming pumarito" saad nito sa akin kaya ngumiti nalang ako at agad na napabitiw sa pagyakap.
"Mabuti nalang at dinala niyo agad siya dito sapagkat mas mapanganib kung nagtagal pa" saad ko na siyang sinang-ayunan nila. "Oo tama ka, marami na ding namamatay na mga tao sa iba't ibang isla kung kaya't sobra talaga kaming nabahala sa kalagayan ng aming anak" dagdag pa niya bago lumapit kay ate Josefina na ngayon ay pinupunasan yung anak nila.
"Kumusta kayo dito? Batid kong naging abala kayo ni Señor Manuel nitong mga araw at dahil na din sa epidemya" tumango ako sa sinabi niya at napabuntong hininga nalang. "Maayos lang naman kami Kuya. Nakakapanibago lang dahil kay tagal niyo ding nawala" saad ko kaya gumuhit na naman sa labi nito ang ngiti. Sobrang komportable na din ako sa kanila lalo na't sobrang maalaga sila kay Corazon. Sa katunayan nga ay pangarap ko talagang magkaroon ng Kuya kaso ng ipinanganak ako ay ako yung panganay kaya linulubos ko na talaga ang ganitong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...