"Hindi mo ba babatiin ang iyong asawa, Corazon?" Napakunot-noo ako ng sabihin yun ni Kuya Londriko habang katabi niya yung lalaking yun na tahimik lang na tumingin sa akin.
Agad naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko ng makilala ko ng tuluyan yung mukha ng lalaking yun na siyang asawa pala ni Corazon!
Siya yung isang lalaki na maraming tama ng baril na siyang kasama ni Kuya Rolando!
"Corazon" napabalik ako sa diwa ko ng tawagin ako ni Ginang Theresa na siyang katabi ko ngayon. Pilit akong tumawa sa harap nila at agad na napatingin sa lalaking yun na nasa harap ko.
"N-Nagagalak akong makita kang muli a-aking a-awasa--- este asawa hehe" Gosh! Gusto ko ng matunaw ngayon dito sa kinauupuan ko dahil sa sobrang awkward at dahil na din sa tingin nila sa akin.
Tumawa ako ng pilit at palihim na hinawakan yung kamay ni ginang Theresa para manghingi ng back up pero binigyan niya lang ako ng tingin na ayaw niyang makisabat sa usapang pampamilya.
"O'siya't tikman niyo na ang aking hinandang pagkain" pag-iiba ko ng topic kung kaya't naibaling nila yung tingin sa pagkain na nakahanda sa harap nila.
"Anong klasing pagkain ito anak?" Tanong ni Donya Solidad kaya napangiti ako. "Egg Omelette ang tawag niyan, aking ina" saad ko na may halong pang echos para magpaimpress sa kanila.
"Isang pagkaing banyaga?" Tanong naman ni Kuya Rolando kaya tumango ako. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila na tinitikman yung ginawa ko. Kitang kita naman na nagustuhan nila yung luto ko.
"Isawsaw niyo rin po sa ketchup, mas sasarap yan" saad ko sabay turo sa kulay pula na nilagay ko sa plato nila. Mabuti nalang talaga at may ketchup na sila dito kahit na iba yung brand pero same taste naman.
"Ang sarap nito, aking kapatid. Pinaghandaan mo talaga ito upang maging isang mabuting asawa kay Heneral" saad ni Kuya Londriko kaya muntik na akong mabulunan. Napatingin naman ako sa lalaki na tahimik lang habang kumakain. Nahihirapan din itong igilaw yung kamay niya dahil sa tama niya sa braso kung kaya't ang bagal niyang kumilos.
"Hindi naman po Kuya." Nahihiya kong saad at napayuko nalang
Kaloka naman to. Bakit ang hilig nilang itopic yan. Nakakahiya. Hindi pa ako ready sa mga ganyan ganyan."Sino ang gumawa ng kape'ng to?" napatigil ako sa pagkain ng itanong yung ni Don Wilfredo. Napayuko naman si Aling Pasing at kinakabahan dahil baka mapagalitan siya sa kagagawan ko.
"A-ako po ama" saad ko ng may bakas na kaba dahil baka hindi niya nagustuhan.
"Ito na ang pinakamasarap na kape na aking natikman" saad niya habang nakangiti kaya gumaan na yung loob ko at agad na ngumiti. "Salamat po ama at nagustuhan niyo ang aking ginawa" saad ko.
"Oo, tama nga si Ama. Sobrang sarap nito" pagsasang-ayon naman ni Kuya Rolando at tinikman din nilang lahat yung kape at sumang-ayon. Nag approve din si Ginang Theresa sa akin kaya kahit papaano ay nawala na yung pagod ko.
"Siya nga pala, anong nangyari sa inyo't nagkaganyan kayo?" Saad ni Don Wilfredo kina Kuya Rolando at sa lalaking yun na tahimik lang.
"Nasa kalagitnaan kami ng misyon sa Bikol ng may sumalakay sa amin na mga groupo ng mga lalaking nakasalakot. Mas marami ang kanilang armas kung kaya't mabilis nila kaming natalo" saad nung lalaki na tahimik lang kanina na sa tingin ko ay si Miguel.
"Alam kong may pakay sila sa amin kung kaya't sa dinami dami naming lumaban sa kanila ay kami lang yung kinuha nila upang dalhin sa tarakluban at doon ikulong. Batid ko din na nais nila kaming ipapatay. Mabuti nalang at may isang Ginoo na nagligtas sa amin doon kung kaya't narito kami ngayon at nakauwi" Saad naman ni kuya Rolando at tumingin sa akin at ngumiti kaya napangiti nalang din ako.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...