KATATAPOS palang nilang maglaba kung kaya't tumulong nalang din kami nina Carding sa pagsasampay ng mga damit na nilabhan nina Milagros sa munting sampayan nila na siyang nasa labas lang ng kanilang bahay.
Lubusan ko na din nakilala ang ilang bagay tungkol sa kanilang dalawa. Natutuwa ako sapagkat kaibigan na din ang turing nila sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay sila palang yung naging kaibigan ko na siyang kasing edad ko at babae pa.
Labing walong taong gulang si Milagros at gayundin ako. Habang so Florencia naman ay labing pitong taong gulang.Napag-alaman kong sa Leyte talaga sila naninirahan at kasama din ang pamilya nina Aling Maring. Lola din nila Milagros si Aling Yolanda. Magsasaka yung kabuhayan nila doon at may lupa sila ngunit ng dumating yung mga makapangyarihang negosyante at nakitang maganda ang kinatuturukan ng kanilang lupain ay ginawa nito ang lahat upang kunin ang lupa sa kanila.
"Salamat sa diyos at natapos din" pagod na pagod na saad ni Florencia kaya natawa nalang ako at agad na napapunas ng pawis sa noo ko. Pumunta pa si Milagros sa loob ng bahay nila para kumuha ng tubig na maiinom namin kung kaya't napaupo nalang ako sa isang silya na gawa sa kahoy at napasipol para lumakas ang ihip ng hangin.
"Nakakapagod din palang maupo" ani naman ni Florencia na kanina'y nakaupo. Agad itong tumayo at sinalubong si Milagros at nagsalin ito ng tubig at ibinigay sa akin. Agad ko naman itong ininom.
"Gumala na muna tayo" anyaya ko sa kanila habang nakangiti at tatlong beses pang tinaas-baba yung kilay ko. Natuwa naman si Florencia sa sinabi ko at agad na tumingin kay Milagros at hinihintay ang pasya nito. Sa kanya nakasalalay ang pasya nito sapagkat siya ang nakakatanda sa pagitan ng dalawa. "Sige, payag ako" agad na napatalon sa tuwa si Florencia at gayundin ako.
Matapos nilang isara ang bahay ay sabay kaming tatlo na naglakad kahit na hindi alam kung saan pupunta. Nakahawak sa isang kamay ko si Carding habang sa kaliwang braso ko naman ay nakapulupot doon si Florencia habang nakangiti ng malapad.
"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ni Milagros sa kalagitnaan naming paglalakad. Natawa nalang din ako ng mapagtanto na hindi ko din alam kung saan. "Kahit saan nalang" alangan kong saad at napakamot nalang ng ulo.
"Maganda ang dagat ngayon ate, maraming naliligo ngayon sa tabi" naibaling namin ang tingin kay Carding dahil sa sinabi nito. "Hala oo nga pala ang tagal ko na ding hindi nakakapag beach! Taraaa gora tayo doon" masaya kong saad habang nakaturo pa yung kamay sa harapan.
"Ha? Hindi namin naintindihan ang iyong sinasabi Corazon" saad pa ni Milagros kaya natawa nalang ako at agad na hinawakan yung kamay ng dalawa at agad na hinablot. "Gorabells!" Sigaw ko pa habang tumatawa ng malakas.
Hindi mawala sa labi ko yung ngiti habang tinatahak namin ang lugar ng Kasantolan. Malapit din dito yung sinasabi kong lugar na gagawan ng tulay ni Manuel na siyang tatawaging Antiao bridge sa kasalukuyan.
Bago pa kami makarating sa pinapaliguan ng mga tao ngayon ay nanguha muna kami ng mga bungang santol na siyang naabot lang namin. Sobrang daming nga punong santol ang nakatanim dito kung kaya't hinango sa punong iyun ang pangalan ng barangay na ito.
Matapos naming manguha ay nagpatuloy kaming naglakad. Kakaunti palang ang mga bahay na nakatirik dito kumpara sa kasalukuyan. Hindi din ako makapaniwala ng maninag ko ang magandang dagat at may purong itim na buhangin pa ang nakapalibot sa paliguan habang sa mga gilid naman nito ay naroon ang ilang mga punong akasya.
(・o・)
"Wow!" Mangha kong usal ng tuluyan na kaming nakalapit doon. Maraming mga bata ang naliligo habang kasama yung mga ina nila at ang iba naman ay nangingisda. Napangiti ako ng malapad at agad na hinubad yung suot kong bakya at agad na napatalon talon sa buhangin. Nakigaya din sila lalong lalo na si Carding kung kaya't natawa nalang ako habang nakatingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...