"Ama? Bakit? Anong nangyayari?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya ng makitang biglang sumama ang kalagayan nito.
Blurb!!!
(ꏿ﹏ꏿ;)
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang umubo ng dugo si Don Wilfredo. Tumalsik din sa akin ang mga dugong iyon kung kaya't labis akong nagulat.
Unti-unting bumagsak ang katawan ni Don Wilfredo sa harapan ko at walang tigil na sumusuka ng dugo.
"Ama!!!!!"
Tila namanhid ang buong katawan ko habang nakatingin sa mga nagkalat na dugo.
May Phobia na ako sa dugo...dahil dito ko din naaalala ang trahedyang nangyari sa pamilya ko.
Unti-unti akong napaupo habang nakatuon lang ang tingin kay Don Wilfredo na ngayon ay naghihingalo. Batid ko din na nagkakagulo na ngayon ang paligid pero tila nawala lahat ng pandinig ko at sa halip ay paulit-ulit lang na naglalaro sa isipan ko ang nasaksihan.
Sunod sunod na nagsilabasan ang mga luha ko habang nakatuon pa din ang pansin kay Don Wilfredo.
Pilit itong ngumiti sa harapan ko at pilit na inaabot ang mukha ko. "C-Corazon... anak" sambit nito sa akin habang naghihingalo.
"M-Mahal k-kong anak..."
Mahina niyang sambit at ang kasunod nun ay ang pagkawala niya ng huling hininga kung kaya't tuluyan na akong napahagulhol.
"Ama!"
Paulit-ulit ko siyang tinatawag at yinuyogyog pero tuluyan na nga siyang namaalam.
Sunod na nagsidatingan sina Donya Solidad at maging sila ay gulat na gulat sa natunghayan. Nagkumpulan din ang lahat ng mga bisita at hindi makapaniwalang matunghayan ang pagpanaw ng dating Gobernador Heneral.
Pinahigpir din ang sekyuridad ng buong mansyon at bawat panauhin ay dadaan sa inbistigasyon dahil sa nangyari kung kaya't natagalan muna bago sila tuluyang makauwi.
Sa mismong sariling tahanan nila Don Arsiño nangyari ang trahidya kung kaya't naulinigan ko ang mga lihim na usap usapan ng ibang mga bisita na maaring sila ang nasa likod ng pangyayari.
Nanatili akong tulala habang nakaupo sa isang silya malapit sa pwesto namin kanina. Naidala na sa isang silid ang katawan ni Don Wilfredo habang linilinisan naman ng ibang mga kasambahay ang mga nagkalat na dugo.
Patuloy pa ding nangangatal ang mga kamay ko at hindi din mawala sa isipan ko ang nasaksihan kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nawalan na ulit ako ng ama.
"C-Corazon"
"Corazon..."
Sa sobrang gulo ng isip ko ay hindi ko napansin ang presensya ni Manuel hanggang sa paulit-ulit niyang pagtawag sa akin ay tuluyan na akong nabalik sa realidad.
"M-Manuel"
Tila may buhay ang mga luha ko sapagkat kusa itong nagsilabasan ng makita ko si Manuel. Dali dali naman ako nitong kinarga kung kaya't agad akong napapulupot sa kanya.
Dinala ako nito paakyat at agad na inihiga sa isang kama. Puno ng pag-aalala ang mukha nito habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Shhh... Tahan na, magiging maayos din ang lahat" tanging sambit niya habang paulit-ulit na pinapagaan ang loob ko.
KINABUKASAN. Maaga palang pero marami na agad ang mga bumisita sa lamay na siyang ginanap sa mansyon Hermoso.
Nandito na din sina Kuya Londriko and Kuya Rolando kung kaya't maging sila ay gulat na gulat sa nangyari. Maging din si Donya Solidad ay hindi lumalabas sa kanyang silid sa sobrang pagluluksa nito kung kaya't tumutulong na din ako sa pagaasikaso sa mga nakikiramay.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Ficção HistóricaSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...