MAAGA palang ay nakahanda na ang lahat para sa gagawing paglilinis ng buong Katbalaogan kasama ang ibang mga kasapi ni Manuel sa opisyal at maging ang lahat ng mamamayan maliban sa mga alta-sociedad.
Kanya kanyang mga dalang walis o kahit na anong kagamitang panlinis ang mga tao, maging mga bata ay nakisama na din sa gagawing paglilinis upang maging maayos ang buong paligid at malinis. Para na din maiwasang manirahan ang mga lamok na siyang nagdudulot ng epidemya.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatanaw mula sa labas na kung saan ay nagsimula na ang lahat sa paglilinis at pamumulot ng basura. Maging si Ginoong Miguel ay naroroonn at nagkakasiyahan habang naglilinis. Hindi ako makasali sa kanila dahil naririto ako ngayon sa mansyon habang tumutulong sa pagluto ng pagkain para sa lahat ng mga taong nakilahok at para na din sa gagawing feeding mamayang hapon.
Ang lahat ay masayang nagtutulong tulungan at maging ang mga kawal na din ay hindi pinalagpas ang ganuong gawain. Nasubaybayan ko pa yung pagkuha din ng walis ni Manuel at tumulong ito sa ginagawa ng lahat na siyang kinagulat ng mga tao at maging ang mga kasamahan niya sa opisyal na ngayo'y walang ibang ginawa kundi ang mag-utos lang sa kanilang utusan o di kaya ay manood.
Pilit pa nilang pinipigilan si Manuel na huwag ng tumulong sapagkat marami na naman ang naglilinis pero hindi ito nagpatinag at sa halip ay tumulong pa ito sa pamumulot ng nga basura ng walang kahit na anong sapin sa kamay na siyang dahilan ng pagmangha ng tao sa kanya. Hindi ko din mapigilang mapangiti at natauhan nalang ng mapagtanto kong muntik na masunog yung niluluto ko kung kaya't umiwas na ako sa panonood sa kanila at sa halip ay tinuon ang pansin sa aking ginagawa.
Kasama ko ngayon ang limang mga ipinadala ni Manuel para sa pagluluto, naririto din si Ginang Laura na siyang gumagawa din ng ilang putahe. Sa katunayan niyan ay boodle fight yung gagawin namin kung kaya't sobrang excited na ako. Alam na din ni Manuel yung tungkol sa boodle fight pero hindi niya talaga alam kung anong klasing kainan yun. Nagpapasalamat ako na kahit na wala siyang ideya tungkol doon ay hinayaan na ako.
"Señorita, ako na ang bahala diyan" saad pa ni Ginang Laura kung kaya't napatango nalang ako at agad na tinignan yung mga niluluto ng iba. Sa kabilang dako din ng kusina ay nagpriprito yung isang ali ng manok na ginawa kong fried chicken. Natakam tuloy ako habang nakatingin sa lahat ng pagkain.
Maayos na yung lahat ng pagkain kung kaya't lumabas na ako at para tignan kung naayos na ba lahat ng mga mesa na inilagay sa hardin. Nakita kong inaayos yun ng ilang kalalakihan at ng makalapit ako sa kanila ay nagbigay galang pa sila sa akin. Nasa mesa na din yung mga dahong saging na siyang pinakuha ko kanina kung kaya't ako nalang ang umayos sa mesa upang paglagay nalang ng pagkain yung gagawin mamaya.
MAGHAHAPUNAN na ng matapos ang lahat sa paglilinis kung kaya't umuwi muna ang lahat para maglinis at inanyayahan sila ni Manuel sa mansyon nito para makilahok sa pagsasalo-salo. Pagka-uwi ni Manuel ay bakas sa kabuoan nito ang mga dumi sa ginawang paglilinis kung kaya't agad na itong dumiritso sa silid upang maligo at magpalit. Napapaypay nalang din ako sa abaniko na dala ko dahil sa sobrang pawis. Sa tingin ko nga ay sobrang hagard ko na at oily na din yung face ko. Nakakainis pa nga kasi sa panahong ito ay wala pang pulbo. Hayst. Try ko kaya yung gawgaw, pwede kaya yun?
Sabay sabay na nag sidatingan yung mga tao suot ang mga malilinis nilang damit at maayos na pustora. Natawa pa ako ng makitang bihis na bihis si Carding at maging nakaayos ang buhok nito at kasing tulad din ng tatay Tiago. Sobrang cute kasi nila kung kaya't hindi ko maiwasan ang mapangiti. Dumating na sin sina Lilita at kasama ang kanyang ina at kuya kung kaya't panay yung pag-aaliw ko sa lahat upang hindi sila mabagot kakahintay. Hindi pa din lumalabas si Manuel at maging ang ilan sa mga myembro sa alta-sociedad na siyang inanyayahan ni Manuel.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...