K A B A N A T A 16

76 3 0
                                    

"Señorita, sigurado po ba kayong ayos lang kayo dito?" nag-aalangan na tanong ni Carding habang inaayos pa yung higaan ng maliit na kubo ito. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Lumapit din ako sa gawa niya para tumulong.

"Huwag mo na akong tawaging señorita, ate nalang" saad ko kaya napabusangot ito. "Ngunit---" pinigilan ko na siya sa pagsasalita at binigyan nalang ng tingin na sumunod siya sa akin.

"Huwag ka ding mag-alala sapagkat sanay ako sa simpleng buhay. Maraming salamat sa inyo ni Tatay dahil pinatuloy niyo ako dito" saad ko. Natawa nalang ako ng yakapin ako nito sa bewang, parang kapatid na din ang turing ko sa kanya kung kaya't mahalaga siya sa akin.

"Nalulungkot po ako sa nangyari kay mingming, batid ko pong mahalaga siya sa iyo kung kaya't labis kang nasaktan sa nangyari" saad nito kaya mapait nalang akong ngumiti at napayuko nalang. Magkatabi kami ngayon ni Carding sa higaan habang na sa isang banig naman natulog si tatay.

Nandito ako ngayon sa bahay nila, naglayas kasi ako matapos ang nangyari kanina. Dinala ko lang yung mga importanting gamit ko katulad ng damit. Sa susunod ay ipapakuha ko nalang din sa katulong yung gamit ko doon at babalik ako sa mansyon ng mga Hermoso. Sa ngayon ay hindi pa ako pweding pumunta doon at baka malaman nila Donya Solidad yung totoong dahilan kung bakit ako umalis sa puder ni Manuel. Kahit papaano ay iniisip ko pa din yung kalagayan ni Manuel at baka maapektuhan din yung posisyon niya bilang alkalde kung kumalat sa bayan na may ibinahay si Manuel kahit na ako naman yung asawa niya.

Nanatiling nakamulat ang mga mata ko habang nakahiga pa din. Sa tuwing pumapasok sa isip ko yung nangyari kay mingming ay naiiyak nalang ako. Hindi din alam nila Manuel na umalis na ako doon. Alam ko din naman na wala silang pakialam kaya umalis na ako agad doon habang nasa isang silid yung dalawa at nag-uusap kanina. Hindi ko din kayang makita si Dahlia dahil sa kasamaan ng ugali niya at baka ma flying kick ko pa siya.

Sinabihan ko din sina tatay at Carding na huwag sabihin kung nasaan man ako ngayon kahit malabo namang mangyari na hanapin ako ni Manuel. Mabuti nalang din talaga at hindi pa umuuwi yung mga magulang ni Corazon at magulang din ni Manuel at baka magkaroon pa ng malaking gulo sa pagitan namin. Ayaw pa naman nina kuya na makitang nasasaktan ako--- I mean si Corazon kung kaya't alam kong mag-aaway sila ni Manuel.


Lumayo lang talaga ako para magpalamig. Sumusobra na din sila kung kaya't mas mabuti na ako nalang ang lumayo. Sanay naman akong mag-adjust...doon din naman ako magaling.
















































KINABUKASAN. Ala-singko palang ng umaga ay nagsimula na akong maglibang ng sarili. Ang totoo niyan ay hindi talaga ako nakatulog kung kaya't napagpasyahan ko nalang na bumangon. Nagluto nalang din ako ng kamote sa kusina para naman may makain sila bago umalis para pumunta sa trabaho. Nagulat pa si Carding ng makita ako sa kusina habang pinapaypayan yung pugon.

"O' gising kana pala. Nagluto nalang ako ng makakain para naman may laman ang tiyan niyo bago kayo umalis" saad ko at nilagay sa plato yung mainit na kamote. Napangiti nalang si Carding habang nakatingin sa akin. Bumangon na din si tatay Tiago at sinaluhan kami sa pagkain.

"Tay, Anong oras kayo papasok sa trabaho?" Tanong ko kay tatay Tiago kung kaya't napatingin uto sa amin. "Mamayang ala sais kami papasok at ganun din yung uwi namin mamayang gabi" napatango nalang ako ng marinig yun. Naalala ko na binigyan sila ng matutuluyan sa bahay ni Manuel pero ng dahil sa paglalayas ko ay wala silang choice kundi ang bumalik sa bahay nila para masamahan ako kung kaya't sobra sobra ang pagpapasalamat ko sa kanila.

"Kung gayun ay hihintayin ko ang pag-uwi niyo mamayamang gabi, magluluto din ako ng masarap na putahe" saad ko kaya napahiyaw si Carding sa sobrang tuwa at gayundin si tatay. Nakakatuwa lang na makita silang ganito.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon