K A B A N A T A 3

117 5 3
                                    

ALAS tres palang ng umaga ay gising na kami. Araw ng sabado ngayon kung kaya't karamihan dito ay uuwi sa kani-kanilang lugar. Nagsimula na rin akong maghanda upang magaya ko talaga si Corazon mabuti nalang talaga dahil nandito si lola kaya't tinutulungan niya ako.

Kagabi ko lang din nalaman na isa palang punong maestra si lola at ang tawag sa kanya ng mga tao dito ay Ginang Theresa kung kayat simula ngayon ay ganun na din ang itatawag ko sa kanya.

"Magandang umaga punong guro, nasa labas na po at naghihintay ang karwaheng inyong sasakyan ng Binibini" sabi ni Rosaly na isa ring mag-aaral ni Ginang Theresa. Tumango lang siya bilang sagot at agad na napatingin sa akin. "Handa kana?" tanong niya kaya napatango ako.

Agad kaming lumabas at pumunta sa karwahe. Nung una ay nagaalangan pa akong sumakay sa karwahe sapagkat hindi ko alam kong paano ba sumakay, mabuti nalang at inalalayan ako ng kutsero kung kaya't agad akong nakaupo.

Madilim pa ang buong paligid pero mas madilim pa din yung sinapit ko kay John... opss sorry na singit ko. Nakakainis kasi ang pisting yawa na John na yan! Manloloko!

Okay back to topic tayo, tanging ang lampara lang na nakasabit sa bawat gusali ang nagbibigay ilaw sa daan. Tahimik din ang buong bayan at tanging ang ingay lang ng kalisa namin ang umaalingawngaw sa kapaligiran.

Napatingin ako sa bawat bahay na nadadaanan namin at masasabi kong ang laki talaga ng pinagbago ng lugar na ito sa panahong ipinanganak ako, simula sa mga kabahayan na nakatayo dito hanggang sa kapaligiran na puno ng ibat-ibang halaman. Simple lang ang kanilang buhay dito ngunit mayaman naman sila sa kalikasan kaysa sa panahon na kasalukuyan na kung saan unti-unting nasisira ang ating kalikasan.

"Kung magtanong man sila sayo ng mga bagay-bagay na hindi mo alam, tumahimik ka nalang para hindi ka nila mapaghinalaan" panimula ni Ginang Theresa kaya napatingin ako sa kanya at tumango.
Tahimik ang buong biyahe hanggang sa makarating kami sa isang bayan.


Kailangan talaga naming bumiyahe dahil nasa Cebu daw ngayon si Kuya Rolando. Doon din yung last mission nila bilang mga sundalo pero bigla raw itong nawala.

Naalala ko din yung minsan na ekwento sa akin ni daddy na yung great great grandfather niya ay namatay sa isang misyon sa Cebu kung kaya't ng sumapit yung isang buwan ay bangkay na itong naiuwi.

Hindi siya namatay sa pakikipaglaban sa mga mananakop kundi ay sa kamay ng mga rebelde.

Hayst sana lang talaga at mabago ko yung kapalaran niya.

Tsk. Nakakakaba tuloy. Kaloka.

"Teka, bakit parang familiar sa akin ang lugar na ito, Ginang Theresa?" tanong ko sa kanya habang pababa ako sa kalesa. Nakita kong napangiti siya habang inililibot ang paningin niya sa buong kapaligiran. Medyo maliwanag narin ang paligid dahil alas singko na ng umaga at matao na din.

"Ito ang bayan ng kankabatok na sa panahon mo ay kilala bilang Tacloban..." sabi niya kaya labis akong nagulat at hindi ko maiwasan na mamangha habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran.

"Ang Kankabatok ay nagmula sa pangalan ni Kabatok na siyang unang tumira sa tacaloban at ang salitang "Kankabatok" ay isang salitang waray na ang ibig sabihin ay "Pag-aari ni Kabatok" dugtong pa niya kaya agad kong naalala yung lesson namin sa history.

Ang lugar na ito ay dating na sa ilalim ng pampulitikang pamamahala ng Palo, ngunit sa ilalim ng parochial hurisdiksyon ng Basey, Samar. Sa panahong ito, si Kankabatok ay binago sa "Tarakluban" mula sa salitang "Taklub," isang kagamitan na tulad ng basket na ginamit sa paghuli ng mga isda, alimango, at hipon. Nang maglaon, ang pangalan ng lugar ay binago mula sa "Tarakluban" hanggang sa kasalukuyan nitong pangalan, Tacloban.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon