Napangiti ako ng maramdaman ko yung malaking unan sa akin. Napayakap ako ng mahigpit doon at hindi mapigilan ang sarili na mapaamoy na din. Nakakamiss na din yung ganito at hindi ko inakala na maging sa panaginip kong ito ay nakokontrol ko.
Nagulat pa ko ng maramdaman kong matigas yung laman ng unan ko. Napakapa nalang ako dito habang iniisip kung bakit ganito. Agad naman akong napamulat ng may pumigil sa kamay ko. Halos lumuwa ang mga mata ko ng mapagtanto kong si Manuel pala yung unan na kayakap ko at hinawakan niya ngayon yung kamay ko dahil muntik ko ng mahawakan yung ano niya!
"Batid kong nananaginip ka" saad nito at gumuhit sa labi nito ang mapang-asar na ngiti kaya agad ko siyang natulak ng pagkalakas lakas at agad akong napaupo habang nakatakip ng mukha sa sobrang kahihiyan. Nadinig ko yung pagkahulog niya pero hindi ko siya pinansin at nanatili pa din sa pwesto ko.
Sobrang nahihiya ako sa ginawa ko! Akala ko talaga unan! Nawala sa isip ko na magkatabi pala kami huhu.
"Aray! Bakit mo ako tinulak?" dinig ko pang saad nito pero hindi ko siya tinignan o nagsalita manlang. "Matapos mong pagsawaan ang katawan ko ay gaganyanin mo lang pala ako sa huli" saad pa nito kaya inis akong tumingin sa kanya habang unti-utning gumuhit sa labi nito ang nakakaasar na ngiti.
"Bwesit ka!" Bulyaw ko dito at agad na tumakbo papalabas ng kubo. Nang makalayo na ako doon ay napatigil na ako at agad na napaunat-unat habang humuhikab. Tanghali na pala pero nanatiling makulimlim yung kalangitan.
"Magandang Umaga Señorita!" bati ng mga taong nakakasalubong ko kaya agad ko silang binabati pabalik. "Señorita!" Papalapit na sana ako sa bahay nina Aling Gloria para tignan yung kalagayan ng bata ng madinig ko yung pagtawag sa akin. Nakita kong si Mang Kanor pala yung tumawag sa akin at agad itong nagbigay galang kaya nahiya ako.
"Kumain po muna kayo ni Señor, naghihinatay na siya sayo ngayon sa kubo" saad nito napakamot ako sa ulo ko. "Ahh sge po, pero pwede po bang hindi ko nalang siya kasabay sa pagkain?" pabuling kong saad sa kanya kaya napailing-iling ito.
"Hindi po Señorita. Sinabi ni Señor na hihintayin ka niya" napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya at agad na naglakad pabalik sa kubo. Gumawi na din sa ibang daan si Mang Kanor dahil magtatanim daw sila ng mga tawa-tawang halaman para pamalit sa mga kinuha kagabi.
Pagkapasok ko muli sa kubo ay nakita ko si Manuel sa hapag kainan. Agad itong tumayo at lumapit sa akin kaya napaiwas nalang ako ng tingin. Naramdaman ko na naman yung malakas na kabog ng puso ko kaya naloloka ako.
"Pasensya na kanina, binibiro lang kita" dinig kong saad nito at papaupuin pa sana ako kaya pinigilan ko nalang siya at agad na umupo doon. "Naghanda ng pagkain ang mga tao dito para sa atin. Lubos silang nagpapasalamat sa nagawa mong paggamot. Dahil doon ay nawala na sa panganib ang mga bata at kahit papaano ay nawala na yung lagnat nila" palihim nalang akong napangiti ng madinig yun. Hindi ko inakala na magiging kapaki-pakinabang ako dito.
Bago kami kumain ay nagdasal muna si Manuel at nagpasalamat sa biyayang nasa harapan namin at matapos nun ay kumain na kami. Takam na takam akong kumakain ng mga sea foods na nasa hapag. Nakakamay lang ako habang si Manuel naman ay nakakubyertos pa.
"Hindi ko inakala na sanay ka palang magkamay" saad ni Manuel kaya napatingin ako sa kanya at tumango nalang. "Palagi naman akong nagkakamay, gumagamit lang ako ng kubyertos kapag kasama ko sa hapag-kainan sina Ina" saad ko sa kanya. Napatigil nalang ako sa pagkain ng makita kong nagkamay na din siya habang kumakain ng alimasag.
"Kainin mo to" saad pa niya sabay lagay sa plato ko ng mga hinimay niyang laman ng alimasag. Napangiti nalang ako sa kanya at agad na kinain yun. "Thank you! Dahil diyan ay magkaibigan na tayo" saad ko sa kanya sabay thumbs up.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...