HINDI ko nalang yun pinansin at agad na bumaba. Bumungad naman sa akin ang samut-saring mga panauhin.
May mga kadete sa paligid na masayang nag-uusap, may mga prayle, may mga tinyente din at mga sundalo na siyang nasiyahan sa inihandang biskotsong ingles at alak.Nasa harap ng isang pahalang na mesa ang mga samu't saring handa at malayang kumukuha ang mga bisita ng mga pagkain na maiibigan nila.
"Ina!" masaya kong bungad kay Donya Solidad sa iisang mesa na kung saan ay naroon din sina Don Wilfredo at yung mga magulang ni Manuel.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita Corazon? Nasaan ka kanina?" May bahid na pag-aalala na tanong nila sa akin kaya agad kong sinabi yung nangyari na pagsama ng pakiramdam ko.Nagulat pa ako ng may humawak sa kamay ko at nakitang si Manuel iyon. Nasiyahan sila Donya Solidad ng makita na malapit na kami sa isat-isa ni Manuel kung kaya't hindi ko siya nagawang matulak.
"Manuel, anak. Hindi mo ba ipinatingin sa doktor ang iyong asawa?" tanong pa ni Donya Consolacion kaya napakunot-noo ako. "Ayos lang naman po ako" saad ko pa kaya hindi na nakapagsalita si Manuel.
"Mas mabuting ipatingin mo sa Doktor ang iyong asawa Manuel at baka sakaling nagdadalang tao na siya" masayang saad ni Donya Solidad lalo na sa huling sinabi nito kaya napayuko nalang ako sa sobrang hiya at nag dahilan nalang na nagugutom na ako.
Hindi na sumunod sa akin si Manuel kaya nakahinga na ako ng maluwag. Takam na takam naman ako na kumuha ng plato at agad na kumuha ng maraming pagkain.
Napalinga ako sa buong paligid at ni isa ay wala akong kakilala. Panay din yung tingin ng ibang mga kababaehan sa akin at panay yung bulungan kaya nagulat sila ng tinarayan ko sila.
Nagpasya akong dalhin yung pagkain ko sa labas. Nakita kong na madami din yung mga taong nandoon sa kanya-kanyang mesa. Napangiti ako ng malapad ng kumaway si Carding. Suot nito ngayon ang damit na binili ko sa kanya.
Agad akong lumapit sa mahabang mesa nila na kung saan ay may mga katabi sila. "Ang pogi naman ni Carding" saad ko dito kaya nahihiya itong ngumiti sa akin at inalalayan pa akong maupo.
"Ate?!" napatingin ako sa batang babae na nasa harapan ko lang. Nagulat ako ng makilala ko na ito yung batang nakilala ko sa barko na siyang humingi sa akin ng tulong. "Lilita!" masaya kong saad at agad ng napangiti ng malapad habang kinukurot yung pisnge niya.
"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni Carding kaya agad akong tumango sa kanya. Binati din ako ng Ina nito na siyang dating may sakit pero ngayon ay magaling na. Katabi din ito ni Lilita.
"Oo Carding, siya ang tumulong sa amin sa barko" pagmamalaki pa ni Lilita kaya natawa nalang ako at agad na kumain. Panay pa yung kwentuhan nila Carding at Lilita na magkalapit lang sila ng bahay kung kaya't magkakilala sila. Shiniship ko tuloy ang dalawa.
Napatagil pa ako sa pagkain ng may isang lalaki na dumating. Simple lang ang suot nito pero kapansin-pansin naman ang maamo nitong mukha. Nagulat din ito ng makita ako at agad na napaiwas ng tingin.
"Kuya Samuel! Siya po ang binibining binabanggit ko sa inyo, hindi ba't ang ganda niya" Saad ni Lilita kaya natawa nalang ako sa kanya habang nagpatuloy pa din sa pagkain.
"Ikinagagalak kitang makilala binibini, Ako nga pala si Samuel ang kapatid ni Lilita. Maraming salamat sa inyong ginawang tulong para sa aking ina at kapatid" saad nito kaya napangiti nalang ako at nag-alangan na tumingin sa kanya.
"Ako naman si Corazon. Maliit lang na bagay ang aking nagawa kaya wala ng dapat na ipagpasalamat" saad ko at agad na napaiwas ng tingin. Panay pa yung tukso sa amin ni Lilita kaya napakunot-noo nalang ako sa kanya. Habang si Carding naman ay panay ang saway sa ginagawa ni Lilita.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...