K A B A N A T A 50

31 2 0
                                    

Makalipas ang dalawang buwan.

ABALA ang lahat habang sinasagawa ang bawat nilang tungkulin. Marami ding kusenero ang ngayon ay abalang nagluluto habang ang ilan naman ay nag-aayos ng mga misa at upuan.

Hindi ko din maialis ang tingin sa salamin matapos kong mag-ayos. Nakasuot ako ngayon ng isang barot-saya napapalamutian ng mga kumikinang na burda ng mga bulaklak sa manggas at saya. Ibinigay itong regalo sa akin ni Manuel kung kaya't nakaramdam ako ng tuwa.

Linapitan ko din si Emanuel na ngayon ay nakadapa sa kama habang naglalaro. Katabi nito ang kanyang ama na ngayon ay nakaidlip. Na puyat kasi ito dahil siya yung nagbantay kay Emanuel kagabi. Masyado kasi akong napagod dahil ilang araw din akong walang pahinga.

Agad akong lumapit doon at inihiga ito sapagkat kanina pa siya sa ganuong posisyon. Limang buwang gulang na siya ngayon, kay bilis lang ng panahon. Kung dati ay hindi pa din ako makapaniwalang isa na akong ina ay ngayon naman ay ramdam na ramdam ko na sapagkat palagi na akong puyat sapagkat palaging nagigising at umiiyak si Emmanuel sa hating gabi.

Ilang araw din akong walang tulog dahil ako lang ang nagbantay sa bata. Hindi ko kasi gustong kumuha ng katulong dahil naniniwala akong mas magiging maganda ang paglaki ng bata kapag ang sariling ina mismo ang nag-aalaga.

Naging abala din si Manuel noong nakaraang mga buwan sapagkat marami ang mga problema ang kailangan niyang lutasin sa bayan. Mas lalo din siyang naging abala dahil sa kanyang proyektong pagpapagawa ng tulay.

Matagal na din kaming nakauwi sa katbalaogan. Tandang tanda ko pa kung gaano katuwa ang mga magulang ni Manuel matapos nitong makita ang kanilang apo. Usap-usapan din ang biglaang pagkawala ni Donya Solidad kung kaya't labis itong ikinalungkot nina Kuya Rolando at Londriko. Hanggang ngayon ay kanila itong pinapahanap.

Naikwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari kong paano ako nakapunta sa islang iyon. Nasabi ko din na nais ni Solidad na makunan ako ng gabing iyon kung kaya't hindi sila makapaniwala ng madinig iton lalong lalo na sa mga kapatid ko. Lahat ng mga nanagyari ay naisabi ko maliban lang sa katotohanan na hindi ako isang hermoso.

Nadinig ko din kay Manuel na nakakulong na ngayon si Don Costavo sapagkat siya pala ang namumuno sa mga piratang iyon. Kahit papaano ay may isa pa ding kasapi niya sa kanilang samahan ang natira na siyang tumistigo sa krimen nito.

Buong akala din nila dito ay ako yung natagpuang patay na siyang kasama ng kutsero pero ng dahil sa pagdating  ko ay nalaman nila ang buong katotohanan na iyon ay si Dahlia. Alam kong nasaktan si Manuel pero hindi niya lang iyon ipinakita sa akin. Kahit papaano ay may pinagsamahan din naman sila.

Sa araw din iyon ay kumalat ang usap-usapan ang ginawang krimen ni Dahlia. Kaya pala nagmamadali itong umalis ng makasalamuha ko siya ay dahil sa kasalanan ito. Pinatay niya kasi si Don Erenas na kanya mismong kinakasama.

Napadako ako ng tingin sa talukbong ibinigay ni Manuel sa akin. Sa araw ding iyon ko lang nalaman na may nakaukit palang pangalan dito. Nalaman ko din galing mismo Manuel na siya ang nagburda dito. Hindi ko akalain na aabot siya sa punto ng pagbuburda para lang ipakita ang kanyang magandang hangarin. Sa tuwing iniisip kong nagbuburda si Manuel ay hindi ko mapigilan na matawa.  Siya ang kaunaunahang lalaking nakilala kong marunong manahi.

Napabalik ako sa wisyo ko ng makita kong tumawa si Emanuel habang nakatitig sa akin.

"Ang cute cute naman ng baby kooo. Peek-a-boo" saad ko marahang ginugulat ito kung kaya't muli itong tumawa habang nakatingin sa akin.  Lumalabas tuloy ang dalawang dimples nito.

Habang lumalaki ito ay mas lalo niyang nagiging kamukha si Manuel kung kaya't sobrang unfair talaga. Ako na nga yung nagbuntis, nanganak at naghirao tapos magiging kamukha lang ng tatay.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon