K A B A N A T A 53

31 3 0
                                    

NANATILI lang ako sa silid habang kasama si Emanuel na siyang palagi kong nilalaro. Kahit anong pagod ko sa mga pagsubok na dumadating ay palagi akong nabubuhayan sa tuwing nakikita ko ang aking anak.

Kailangan kong maging matapang para sa kanya.

"May panauhin ka" napatingin ako kay Manuel ng sabihin iyon. Pagtingin ko sa kanyang likod ay naroroon ang taong matagal ko ng gustong makita.

"Maiwan ko muna kayo" saad nito bago umalis kung kaya't agad na inalis ni Ginang Theresa ang suot niyang talukbong.

"Bakit mo ginawa iyon Corazon. Alam mo namang mahalaga ang manang iyon para sa kinabukasan ng Hermo---" pinutol ko siya sa pagsasalita sa pamamagitan ng mahigpit kong yakap.

Hindi ko mapigilan na maiyak habang yakap siya. "Nakakainis ka! Matagal kang hindi nagpakita sa akin. Pinabayaan mo ako" nagmistula akong musmos sa kanyang harap na waring iniwan ng kanyang ina sa kalagitnaan ng pagsubok.

"Kung hindi ko pa iyon ginawa ay malamang hindi ka magpapakita!" inis kong bulyaw sa kanya. Yinakap ako nito pabalik habang pinapatahan ako kaya napabusangot ako sa kanyang harapan.

Kagabi ko lang naisip na sa tuwing may ginagawa akong maling hakbang ay saka siya nagpapakita sa akin kung kaya't sinubukan kong gumawa ng mali at ngayon ang patunay na tama nga ang aking hinala.

"Alam mo namang na limitado lang ang aking galaw dito kung kaya't mas mainam na wala ako. Bawat pasok ko sa nakaraan ay nagkakaroon ito ng apekto sa kasalukuyan" paliwanag niya kung kaya't hindi ko ito naintindihan.

"Anong apekto nito sa kasalukuyan?" napabuntong hininga siya sa tanong ko. "Sakuna, katulad ng mga malalakas na bagyo o lindol" ani niya na siyang ikinabigla ko.

"Hala, pasensya na hindi ko alam. Sge ginang Theresa umalis kana" pagtataboy ko sa kanya pero umiling lang ito

"Naiiwasan naman iyon kapag suot ko itong kwintas kung kaya't huwag kang mag-alala" ani niya sabay turo sa kwintas niyang suot na may desinyong parang bituin.

Nabuhayan ako ng loob sa kayang sinabi. Napadako pa ang tingin nito sa higaan namin kung kaya't napangiti ako at agad na kinarga si Emanuel.

"Ginang Theresa ito pala si Emanuel ang aming anak" nakangiti ako ng malapad sa harap niya. Nabigla pa ako ng tumawa si Emanuel habang nakatingin sa Ginang lalo na ng laruin niya ito.

"Kay gandang bata" usal pa niya kung kaya't hinalikan ko ang noo ni Emanuel.

"Sympre mana sa ina" sagot ko kung kaya't mabilis itong umiling sa akin. "Kaya nga maganda ang lahi dahil nagmana kay Manuel at hindi sayo" dagdag pa nito kaya agad akong napabusangot. Kahit kailan talaga hindi niya inaamin na maganda ako.

"Naririnig ko yang iniisip mo" dugtong pa niya kaya natawa nalang ako. Palagi talaga siyang nananalo sa mga asaran namin.

Muli akong natahimik habang patuloy na nilalaro at kinakausap ni Ginang Theresa ang bata. "Malapit ng matapos ang iyong misyon" pagpuputol niya ng katahimikan kung kaya't napatitig ako sa kanya.

"Posible bang maisama ko sila sa kasalukuyan?" Tanong ko kung kaya't napabuntong hininga siya habang nakatingin sa akin.

"Alam kong alam mo na ang sagot diyan" saad niya kaya napayuko ako.

"Baka may iba pang para---"

"Mayroon" nabuhayan ako ng loob sa kanyang sinabi.

"Ano iyon---"

"Tanggapin mo ang katotohanan na hindi yon maaring mangyari" nasaktan ako sa sinabi niya. Napaangat nalang ako ng tingin ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon