K A B A N A T A 51

27 1 0
                                    

"Nasaan na ang aking apo?" Nagpaalam muna ako sa kanila ng madinig ang boses na iyon. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang madaming mga regalo na dala ng nakasunod sa kanila na utusan. Nakasunod din kay Donya Consolasyon si Don Arsino.

"Dali dito ka kay lola, mahal kong apo" malaki ang ngiti nito habang kinukuha sa akin si Emanuel kung kaya't natawa nalang ako. Bigla kasing nagbabago ang mood ni Donya Consolasyon sa tuwing nakikita niya ang kanyang apo.

Nagsimulang umiyak si Emanuel ng kargahin siya ni Donya Consolasyon kung kaya't nalungkot ito habang binabalik sa akin ang bata.

"Kay hilig mong paiyakin ang aking apo" ani naman ni Don Arsino at aaktong kukunin si Emanuel ng mas lalo itong umiyak. Natatakot din kasi ito sa kanyang lolo.

"Nagugutom na po yata siya" nahihiya kong saad at marahan itong yinugyog sa busig ko. Hindi ito matigil sa pag-iyak kung kaya't pumunta muna kami sa taas.

"Magandang hapon sayo Corazon" nakita ko ang paglapit ni Miguel habang tinatapat sa kanyang dibdib ang sumbrero upang mag bigay galang. Kay tagal ko din itong hindi nakita dahil sa pagiging abala sa pag-aalala kay Emanuel.

"Masaya akong makita ka Miguel" saad ko habang patuloy na pinapatahan si Emanuel. Ramdam ko din sa sarili ko ang pagpatak ng mga pawis ko. Hayst.

"Pasensya na, mukhang may tupak ngayon si Emanuel" nahihiya kong saad habang linilibang si Emanuel pero umiyak lang ito lalo.

Nabigla ako ng maramdaman ko  sa noo ang isang panyo na pinupunas ni Miguel sa akin. "Huwag kang magpapapawis, mahirap na kung ika'y magkakasakit lalo na't kailangan ka ng aking pamangkin" saad pa nito sabay lapit ng mukha kay Emanuel habnag nakangiti ng malapad kaya agad akong napaurong. Mabuti nalang talaga at kami lang ang tao dito sa taas. Tiyak na gagawin na naman itong malaking usapin ng makakakita.

Tumigil sa pag-iyak si Emanuel at sa halip ay tumawa ito sa harap ni Miguel na wari'y nakikipag-usap dito. Kinuha ni Miguel sa akin si Emanuel kung kaya't mabilis na akong nakapagpunas.

Nakita kong kampante ang loob ng bata sa kanyang tiyuhin sapagkat wala itong awat sa pagngiti. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatanaw sa kanila. Minahal ni Corazon si Miguel. Siguro ganito sana ang kanilang sitwasyon kung sila ang nagkatuluyan.

Palagi ding sumasagi sa isipan ko ang maraming katanungan. Paano kaya kung matapos na ang misyon ko, ano kaya ang mangyayari? Ano kaya ang mangyayari sa mga taong maiiwan ko dito? Maaalala ba ni Corazon ang naging unang buhay niya? Mamahalin din ba niya si Emanuel ng tulad ng pagmamahal ko?

"Mukhang gusto ako ni Emanuel" Masaya niyang bulaslas sabay lingon sa akin kung kaya't agad akong napaiwas ng tingin at pilit na ngumiti.

"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa iyo" saad ko habang pinupunasan din ng pawis si Emanuel.

"Ikaw"

Kapwa kami nagtitigan dahil sa kanyang sinabi. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Pilit akong tumawa habang kinukuha sa kanya ang bata.

"Miguel---"

"Pasensya na, ako'y nagbibiro lang" saad pa nito sabay suot muli ng kanyang sumbrero at pilit na ngumiti sa akin. "Sa susunod muli" dagdag pa niya bago magpaalam. Humalik pa ito sa pisngi ni Emanuel. Sinundan ko siya ng tingin kung kaya't saka ko lang napansin na si Manuel na nakasandal sa silid habang nakapamulsang nakatingin sa akin. Nasa tabi din niya ang mga binuhat niyang regalo paakyat.














Napaiwas nalang ako ng tingin at pumasok sa silid.

"Umiyak na naman ng kargahin ni ina?" Napalingon ako sa kanya ng pumasok ito. May dala itong maraming regalo na siyang kanyang nilapag sa mesa. Napatango nalang ako sa kanya bilang tugon.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon