K A B A N A T A 32

28 2 0
                                    

UMAGA palang pero panay na yung sermon sa akin ni Manuel dahil sa ginawa kong pagtakas kahapon. Ngayon lang nito nagawang mangsermon dahil pagkauwi ko kahapon ay agad akong natulog ng maaga kung kaya't hindi na ako nito naabutan.

Matapos din ng naging pagtatapat ni Miguel sa nararamdaman niya ay tuluyan na itong nakatulog kung kaya't agad namin siyang inalalayan na ihiga sa kama ni Ginang Sita. Ako na din ang naggamot sa sugat nito sa kamay bago ako nagpasyang umuwi.

"Bibigyan kita ng isang minuto para magpaliwanag sa iyong ginawa kahapon" ma-authoridad na saad p ni Manuel habang nakatayo at nakatingin ng diritso sa akin. Napairap nalang ako sa kanya at agad na napaunat habang nanatili pa ding nakahiga sa kama dahil kakagising ko lang.

Bibigyan niya pala ako ng pagkakataon na magpaliwanag pero mas nauna pa yung sermon niya sa akin. Hayst, kay aga-aga, stress agad.

Bagot akong tumingin kay Manuel at nanatili itong naghihinatay sa sasabihin ko. Naramdaman ko na naman muli yung pagsakit ng ulo ko at pagbaliktad ng sikmura ko kung kaya't dali dali akong napatayo ng maduduwal na ako.

Pagkarating ko sa banyo ay agad akong nagsusuka ng likidong mapait at kasabay din nun ay ang pagkapagod ng katawan ko at maging ang lalong pagsakit ng ulo ko kung kaya't muntik na akong mawalan ng balanse.

Naramdaman ko yung pagsalo sa akin ni Manuel at agad ako nitong binuhat ng bridal style habang nanatiling nakapikit yung mga mata ko dahil sa pagsakit ng ulo. Huhu, ganito pala yung feeling ng morning sickness. Hindi ako natutuwa parang lahat na ng sakit ay nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko gustong humiga kung kaya't ng inihiga ako nito sa kama ay agad akong umupo at sumandal sa gilid habang nanatili pa ding nakapikit habang nag-iinahale at exhale.

"Sa ngayon ay palalagpasin ko ang ginawa mo kahapon pero sana isipin mo din na delikado ang iyong ginawang pagtakas sa bintana. Paano nalang kung nahulog ka at nasaktan? Isipin mo na naman na hindi kana ngayon nag-iisa at nasa iyong sinapupunan na ang ating anak" inis pa nitong sermon sa akin kaya iritado ko siyang inirapan at napapikit muli.
Alam ko namang mali yung ginawa kong iyun pero ano ba ang problema? Safe kaya akong nakababa at walang may nangyari. Hayst.

ಠಗಠ

"Kasalanan mo yun. Ikinulong mo ako dito sa silid at ayaw pang palabasin! Ikaw kaya yung mabulok sa loob ng bahay ng wala manlang pinagkakaabalahan!" Inis kong bulyaw sa kanya habang nakahawak pa din sa ulo ko kung kaya't mas lalaong naging iritado yung mukha niya at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Oh diba, hindi ka makapagsalita dahil totoo naman ang sinasabi ko. Hmp!" dagdag ko pa ng matahimik ito. Sunod-sunod na kumawala ang buntong hininga nito at muling napatingin sa akin na seryoso ang mukha at alam ko ding asar na siya sa akin.

"Kasalanan ko bang gustuhin na dapat ako lang ang tanging tao na iyong masilayan araw-araw" biglang saad nito kaya napatigil ako at hindi alam kung ano yung nararamdaman sa sinabi niya.

"Nangangamba ako na baka kapag lumabas ka at makisalamuha sa iba ay sa kanila mo ipaglihi ang aking anak. Kung kaya't hanggat maari ay sa akin mo lang dapat ituon ang iyong pansin" dagdag pa niya kaya sarkastiko akong natawa at napairap sa harapan niya.

Gusto ko pa sanang magsalita at barahin siya sa sinabi niya ay hindi ko na yun magawa dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Mabuti nalang at may kumatok sa pintuan kung kaya't naibaling namin ang pansin doon.

Pumasok si Ginang Laura habang may hawak itong bandeja na may laman na pagkain at gatas. "Señorita, kumain na ho kayo habang mainit pa ang pagkain" ani pa nito sabay tingin sa akin kung kaya't lumapit sa kanya si Manuel at kinuha yung tray.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon