AROUND five na nang hapon nang matapos ko ang pagiimpake. Kagabi pa ako walang kain piro hindi ko naman ramdam sa katawan ko ang gutom.
Inilagay ko na sa bagahe ko ang mga larawan nila mommy at napatigil din ng dumako ang tingin ko aa family picture namin.
"Bakit iniwan niyo naman ako? Sana sa ngayong pag-alis niyo ay sinama niyo na ako..." totoo yung sinabi ko. Mostly kasi sa mga lakad namin noon ay palagi nila akong iniiwan. " Bakit ang hilig niyo akong iwanan? Hindi ko kayang mabuhay dito ng wala kayo" sabi ko habang patuloy na pumapatak ang luha ko.
Blag!
Agad akong napatingin sa labas nang madinig ko ang kalabog. Nanggaling ang ingay sa rooftop kaya naglakad ako paakyat doon.
Tumigil na kanina yung pagcoconstruct sa bahay kung kaya't sobrang labo naman kung doon nanggaling yung kalabog kasi ako lang yung tao dito.
Pagbukas ko nang pinto, agad na bumungad sa akin ang alikabok nang buong kwarto kaya napatakip ako nang ilong at agad na hinanap ang cellphone para e-on yung flashlight.
Nakita ko ang nagbagsakan na mga libro.
"Meow"
Napatingin ako doon sa pusang itim na may magkaibang kulay na mata, isang asul at kayumangi. Agad itong lumapit sa paa ko kaya agad ko itong hinimashimas at hindi ko mapigilan na ngumiti. Ito pala yung alagang Pusa ni Bea na siyang bunso kong kapatid at ang pangalan nito ay 'blacky'
Nagikot ikot muna ako sa library at tinitignan yung mga libro nang mapansin ko na mga lumang libro pala ito. Karamihan sa libro ay nakasulat sa spanish language at nailimbag sa taon na 18th century.
Napatingin din ako sa mga nagbagsakang libro kanina at naagaw ang pansin ko sa isang libro na kulay ginto na kumikinang kinang ngayon dahil sa pagtama nang sinag ng araw dito.
Agad ko itong kinuha at pinunasan dahil sa alikabok na bumabalot dito. "Ang kasaysayan nang Pamilya Hermoso" pagbabasa ko sa libro. Hindi ko inakala na totoo pala na makasaysayan ang aming pamilya dahil ang great, great grandfather ko ay naging isang Gobernador-Heneral na siyang pinakamataas na opisyal nang pamahalaan noong taong 1889.
Blag!
Nagulat ako nang sunod sunod nanagbagsakan ang mga libro sa dulo kaya agad kong nabitawan yung librong hawak ko.
"Meow! Meow!"
Agad kong nilapitan si blacky at kinuha doon sa book shelf. Siya kasi yung may dahilan kong bakit nagbabagsakan yung mga libro.
"Ikaw talaga blacky kahit kailan ang kulit mo..." sabi ko habang hinimashimas yung ulo niya. "Katulad ni Bunso..." pagpapatuloy ko habang malungkot na nakatingin sa pusa. Agad ko itong ibinaba at binalikan yung libro kanina.
Kinuha ko yung libro ng kasaysayan ng pamilya namin. Napansin ko na may nahulog na isang nakatiklop na malaki na tela mula dito kaya agad ko itong kinuha.
Binuklat ko uto at tinignan. Gulat na gulat ako nang tumambad sa akin ang isang pinintang larawan. Larawan nang isang babae... babaeng kamukha ko.
Agad ko itong nabitawan dahil sa gulat at tuluyan kong nakita ang isang sulat sa duluhan nito.
"Maria Corazon Hermoso"."Ms. Hermoso!" Bigla akong natauhan nang madinig ko na may tumawag sa akin mula sa baba at agad na kinuha yung larawan na iyon at agad na tinupi at inipit sa libro bago ako tuluyang bumaba. Mabilis kong inilagay yung libro sa bag ko at agad na lumabas nang kwarto habang bitbit ang dalawa kong bagahe.
"Oh? Akala ko magmamatigas kapa para lang hindi mapaalis dito sa mansion" bungad sa akin ni Mr. Andigo na ngayon ay kasama yung pamilya niya.
"Oh? Its you pala" sabi naman ni Madison na siyang panganay na anak ni Mr. Andigo. Ka schoolmate ko siya piro hindi kami nagpapansinan dahil narin sa magaspang niyang ugali.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Ficción históricaSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...