"Anak? Doc! Gising na siya!"Bumungad sa akin ang nakakasilaw na ilaw kung kaya't ilang bisis akong napakurap. Unti-unti ko ding ginalaw ang kamay ko dahil sa pamamanhid nito hanggang sa napansin ko nalang ang mga nakakabit na makina sa aking katawan.
"Anak...Calla" nailipat ko ang tingin sa dalawang tao na umiiyak habang nakatingin sa akin.
"M-Mommy, daddy" tawag ko sa kanila ng tuluyan ko na silang makilala. Agad ako nilang sinalubong ng yakap kung kaya't mahigpit akong tumugon sa kanila.
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito sa hospital. Hindi ko din maintindihan kung bakit ganito ang nararamdman ko ngayon habang yakap sila. Tila ba parang nagkawalay kami ng kay habang panahon at ngayon ko lang sila muli nakita.
"I'm glad you're awake!" umiiyak si mommy kung kaya't agad kong itinaas ang kamay ko para punasan ang luha niya.
"Ate!" Nakita ko si Bea na kakarating lang habang karga nito ang itim na pusa na si Blacky. Mabilis itong napayakap sa akin kung kaya't nadaganan pa niya yung sugat ko.
"Nakakainis ka ate! Dapat hindi mo iyon ginawa! Paano nalang kung hindi kana nagising. Paano na ako? Wala na akong kaaway araw-araw" usal pa niya kaya hindi ko mapigilan na mapangiti habang yakap siya.
Hindi ko alam kung bakit pero sobra ko silang na miss.
"Ano po ang nangyari mommy? Bakit ako nandito?" nagulat sila sa tanong ko at napatingin sa doctor na nasa loob din pala ng room ko.
"May amnesia po ba doc ang anak ko?" tanong ni daddy kung kaya't mabilis namang napailing ang doctor.
"Based on the result wala naman siyang natamong injury sa kanyang ulo. Maybe this is just a part of her traumatic experience because of what happened. Dadating din yung araw na maaalala niya ang nangyari. I also advice na its better if she will undergo on counseling" hindi ko maintindihan ang sinasabi ng doctor. As far as I remember is nasa graduation ako and then, hindi ko na maalala.
Napatingin din ako sa kabuohan ko. Marami akong galos sa katawan. Masakit din yung ribs ko kung kaya't batid kong may bali akong buto dito. Maybe I got involved in an accident.
"Can you explain about what happened? Wala kasi talaga akong maalala" napabuntong hininga si daddy ng sabihin ko iyon. Suminyas pa si mommy kay daddy na sabihin nalang kung kaya't napakunot-noo ako.
"You involved in an account after finding out that John cheated on you"
Huh?
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni daddy. Hindi ko kasi matandaan ang bagay na iyon.
"Sino si John?" I ask trying to remember it myself.
"Ah alam ko na. John Perez yung naging boyfriend ko" usal ko ng maalala ang bagay na iyon. Pumasok din sa isipan ko ang isang alaala na kung saan ay nakita ko sila ni Patricia na gumagawa ng kababalaghan.
" I will make sure na makukulong ang ugok na yun!" galit na saad ni daddy kung kaya't kong hinawakan ang kamay niya.
"You don't have too daddy. Hindi naman ako na involved sa aksidenti ng dahil sa kanya, as far as I remember is biglang nawalan ng prino ang manebela ko" I lied. The truth is I don't remember myself driving a car ng umalis ako sa apartment ni John.
Ayoko lang kasi na humaba pa yung usapan at pagtuonan pa nila ng pansin ang lalaking iyon. I don't really understand myself right now. Ni hindi manlang ako nasasaktan ng maalala kong nagtaksil siya sa akin.
"Hindi ko naman ipapalit ang buhay ko ng dahil lang sa walang kwentang bagay" usal ko kung kaya't napangiti sila.
"That's my girl" saad pa ni daddy sabay halik sa noo ko kung kaya't napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...