K A B A N A T A 22

69 3 0
                                    

PALUBOG na ang araw pero nanatili pa din akong gising habang nakahiga sa duyan. Hindi ko magawang makatulog at hindi ko alam kung bakit. Pumasok na naman sa isip ko sina mommy at daddy. Sobrang tagal ko na pala dito at naging abala din ako kung kaya't hindi ko na sila na isip. Ni wala din akong update kay Ginang Theresa. Hindi ko alam kung nasaan siya.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko ulit yung lahat ng nangyari sa pamilya ko. Hanggang ngayon hindi ko pa din makuha yung tamang sagot kung bakit bumagsak ang Familia Hermoso gayong ang naging kabiyak naman ni Corazon ay naging isang Alkalde. Nalaman ko din na isang Heneral na ngayon si Kuya Rolando kung kaya't mas lalo akong naguguluhan sa lahat.

Magkakonektado din ang familia Hermoso at Garliardo dahil sa pagiisang dibdib nina Corazon at Manuel ngunit bakit hindi yun alam nina lolo't lola o maging sila daddy. Anong meron kay Corazon?...Anong meron sa lahat ng taong nandito? Naguguluhan talaga ako kung paano nangyari ang lahat ng to.

"Baka malunod ka sa sobrang lalim ng iyong iniisip" Napabalik ako sa diwa ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Manuel. Seryoso itong nakatingin sa akin habang nakahiga pa din ako sa duyan kung kaya't agad na akong napaupo at napaiwas. Naiilang pa din ako sa kanya lalo na't sa nangyari ka gabi. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko ngayon. Sobrang nahihiya pa din ako sa mga kabaliwan ko at lalong lalo na yung nangyari sa amin kahit wala naman akong maalala!

"Kumusta ang iyong pakiramdam?" tanong pa niya kaya umakto akong hindi nahihiya at matapang na hinarap siya na ngayo'y nakatayo sa tabi ko. "Ayos lang naman" pilit akong ngumiti sa kanya kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga ako. Nanatili namang seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin at naunang umiwas ng tingin.

"Mabuti naman" napahinga ako ng maluwag ng hindi na siya muli nagsalita. Pero agad naman akong napaismid ng tumabi ito at umupo din sa duyan. Hindi naman kami gaanong kalapit sa isa't isa dahil pahaba itong duyan. Palihim nalang akong napatingin sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong ba yong nararamdaman niya ngayon. Alam ko naman na hindi siya talkative or maingay pero naninibago lang ako dahil sobrang tahimik niya.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Kahit na hindi naman kami gaanong malapit sa isat-isa ay nag-aalala pa din ako sa kanya. Alam ko naman na mabuting tao si Manuel at nakikita ko din sa kanya na magiging isa siyang mabuting Alkalde kung kaya't kahit na hindi maganda yung naging una naming tagpo ay kaibigan na din ang turing ko sa kanya.

"Hindi" tipid nitong sagot sabay tingin sa akin. Nanatiling walang emosyon yung mukha niya pero iba naman ang pinapakita ng mga mata niya. "Hayst bakit ganyan yung tugon mo. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Nasana'y kasi ako sa mga taong kapag tinatanong ko kung ayos lang sila ay parating oo yung sagot" nakabusangot kong saad dahil totoo naman. Akala ko kasi ganun yung sasabihin niya. Yan tuloy hindi ko alam ang gagawin ko para maging maayos lang siya.

"Bakit naman ako sasagot na ayos lang ako kung hindi naman" kunot-noong saad nito sa akin kaya napaismid nalang ako at hindi na nagsalita. May pagka-savage din pala tong si Manuel. Yan tuloy natahimik ako.

Sunod sunod na buntong hininga ang kumawala sa kanya habang nanatili ang tingin sa paligid. Hindi pa naman gaano kadilim yung paligid kung kaya't naaanigan pa namin yung mga tanawin. Malungkot nalang ako na napatingin kay Manuel. Siguro'y may kinakaharap siyang problema ngayon o kung wala man ay siguro sadboi lang siya. Pero naisip ko din na baka nagka-LQ sila ni Dahlia. Hayst! Lovelife pa more. Mas mabuti kayang single...tamang chill lang.

Mas mabuti ng single kaysa ma in a relationSH*T kay John. Piste ka na alala na naman kitang kumag ka. Sarap mong tirisin.

>.<

"Hindi ko man alam ang iyong pinagdadaanan ay batid ko namang malalagpasan mo ito" bulaslas ko nalang sa harapan niya na siyang dahilan ng pagbaling nito ulit ng tingin sa akin. Agad akong ngumiti sa kanya at nag thumbs up.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon