SABIK na sabik ang lahat habang inihahain ang mga kamoting kahoy na dala nina Tonyo. Napag-alaman ko din na sila pala yung mga taong nakatira sa Isla na kung saan doon ako nagsilang. Nahirapan din daw sila na makapunta dito sapagkat sinunog na ng mga sundalong amerikano ang mga kabahayan sa nayon.
Sa una, buong akala ko matatapos na ang kaguluhang ito lalo na't naririto na din sina Tonyo pero nagkamali ako. Limipas na ang mga minuto, oras at buwan pero mas lalo lang naging magulo ang bayan.
Nagkagulo din ang mga hukbo na halos di na namin makilala dahil sa kanilang mga sugat na natamo. Kasama din nila sina Kuya Londriko, Miguel, Samuel at kuya Rolando na ngayo'y maraming sugat ang natamo. Marami silang umalis dito sa kweba, pero ngayon ay nasa sampo nalang sila na bumalik.
Nanginginig ang kamay ko habang ginagamot sila. Maging ang lahat ng kababaehan ay tumulong na din sa paggagamot habang umiiyak sa pagkawala ng kanilang mga asawa.
Hindi din maawat sa mga mata ko ang pagtulo ng luha habang iniisip ko si Manuel at kung bakit hindi nila ito kasama.
"N-Nagpaiwan si Manuel sa bukid kasama ang limang sundalo" napatingin ako kay Samuel ng sabihin iyon habang ginagamot ko siya. Mabilis kong pinunasan ang luha ko habang nakatuon ang pansin sa paggamot.
Makalipas ang maraming oras ay pagod na pagod kaming lahat habang nakatanaw sa kanila na nakahiga sa pinagtagpi-tagping tela. Walang sino man ang nakakabangon manlang kung kaya't nawawalan na ako ng pag-asa.
"Ano ang iyong nakita Tonyo?" Napatingin ako sa gawi nina Oryang ng salubungin niya si Tonyo na lumabas kanina.
"May sugat si Senior Manuel. Hindi ko siya malapitan dahil nakapaligid lang ang mga sundalo" nanginginig ang mga kamay ko nang lumapit sa kanila.
"A-Ano ang lagay niya?" napaiwas ng tingin si Tonyo sa akin at hindi ito sumagot kung kaya't nagmistula na namang gripo ang mga luha ko.
"Pupunta kami doon. Sapat na ang mga nakuha naming mga kagamitang pandigma para ma ililigtas namin si Senior. Akin ding nakita na nasa dalawampu ang naroroon kung kaya't natitiyak kong maitutumba na namin sila" saad pa ni Tonyo sabay tawag sa kanyang mga kasamahan.
Sa pangalawang pagkakataon ay naiwan na muli kaming mga kababaihan habang nagbabantay sa mga sugatan.
Hindi ko mapigilang mainis habang kinukuha ang palaso na matagal ko ng sinasanay. Hindi nila gusto may kasamang babae sa kanilang pakikipaglaban kung kaya't iniwan lang kami dito. Maging si Oryang nga ay hindi pinasama.
"Habang tumatagal ay gumagaling kana" napalingon ako kay Milagros ng sabihin iyon habang nakatingin sa palaso na tumama sa gitna ng kahoy. Hawak din niya ngayon ang rebolber habang itinututok ito sa kanyang tudlaan.
Hindi ko din namamalayan na maging ang ilan sa mga ina at dalaga ay nagiinsayo din sa paghawak ng mga naiwang kagamitang pandigma. Sina Carding at Lilita din ay naiwan doon malapit sa mga pasyente habang binabantayan ang mga bata.
"Hindi tayo babae lang!" Galit na saad ni Milagros sabay kalabit ng rebolber na siyang sentrong tumama sa nilagay niyang niyog.
HINDI mawala ang pag-aalala ko habang hawak si Emanuel na ngayon ay mainit. Maging sina kuya Londriko din ay inaapoy ng lagnat dahil sa kanilang sugat kung kaya't hindi kamj mapakali.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...