Unti-unting umukit sa labi nito ang ngiti at agad na yumukod sa harap ni Manuel. "Malugod na pagbati sa inyo Señor sapagkat kumpirmadong nagdadalang-tao ang iyong asawa"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya habang naghiyawan naman sina Donya Solidad at Donya Consolacion sa sobrang tuwa sa sinabi nito.
dug dug dug dug dug dug
(((;ꏿ_ꏿ;)))
"WHATTTTTTT?! nani?!" gulat kong saad habang nakatingin kay Ginoong Edmondo pero hindi nila ako pinansin at sa halip ay masayang itinuon ang pansin sa bawat-isa.
"Malabong mangyaring mabuntis ako wala nama---" gulat akong napatingin kay Manuel ng unti-unting bumalik sa alaala ko yung alaalang lasing ako at may nangyari sa amin.
Nanatili akong tulala at nag mistulang cellphone na nagloloko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang bagay na ito. Napagtanto ko din na maging si lola ay alam na niya ang tungkol dito kung kaya't ng humiling ako tungkol sa Ice cream ay pumayag siya.
Napabalik ako sa realidad ng mararamdaman kong may yumakap sa akin habang nakaupo ako at nakitang si Manuel iyun. "S-Salamat sa diyos at magiging ama na din ako!" dinig ko pang saad nito at agad na kumalas sa pagyakap at hinawakan ang mukha ko.
Hindi ko alam kung totoo ba tong nakikita ko ngayon sa kanya lalo na't ng malaman ang bagay na iyun. Nakangiti si Manuel ng malapad at maging ang mga mata nito ay nakangiti at naiiyak pa kung kaya't hindi ako makapaniwala sa naging reaksyon niya.
Hinalikan pa nito ang noo ko kung kaya't mas lalo akong kinilabutan sa ginawa niya. Nang maibaling nito ang tingin sa labi ko ay agad na akong natauhan at tinulak siya.
Agad akong napahiga sa kama at kinuha yung kumot at ibinalot ang sarili doon para hindi sila makita. "No! This can't be huhuhuhu please, hindi to totoo alam kong prank niyo lang to!" hiyaw ko pa habang naiiyak. Hinihiling na sana ay maglaho nalang ako bigla dito dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"B-Bakit anak? Ano ang problema? Hindi mo ba gustong magka-anak?" inalis ko ang kumot sa bandang nasa mukha ko at nakita si Donya Solidad na malungkot ang mukha ng itanong ang bagay na iyun. Maging kay Donya Consolacion ay nawala din ang ngiti sa labi nito kung kaya't napalunok nalang ako sa kaba at agad na napailing.
"Gusto naman" pero hindi sa ganitong sitwasyon na kung saan ay hindi naman talaga dito ang tuna'y kong buhay.
"Hindi maganda para sa iyong pagbubuntis ang mamproblema at malungkot Señorita lalo na't sa ngayon ay mahina ang iyong pangangatawan" babala pa ni Ginoong Edmondo na ikinabahala naman nila habang nanatili naman akong naiiyak habang nakatingin sa kisame.
"Ina, pwede bang iwan niyo muna kami? May pag-uusapan lang kaming mag-asawa" dinig ko pang saad ni Manuel pero nanatili pa din ako nakatulala sa kisame. Naramdaman ko yung paglabas nilang lahat kung kaya't agad akong nagmaktol sa kama at agad na sinubsob yung mukha ko sa unan.
"Hayst! Bakit ngayon pa?" Ayaw ko talagang mag commit dito sa panahong ito dahil alam kong darating yung araw na matatapos ko ang misyon ko dito kung kaya't hanggat maari ay ayaw kong mapalapit sa kanino man kahit na malabo.
"Corazon, ano ang iyong problema at nagkakaganyan ka?" Napatingin ako kay Manuel ng sabihin iyun habang nakaupo muli sa gilid ng kama kung kaya't agad akong napaulo at inis ko siyang tinginan. "Hayst, kasalanan mo to! Binuntis mo ako! Nakakainis ka!" Bulyaw ko sa kanya habang hinahampas ang braso niya sa sobrang inis pero agad nitong pinigilan ang mga kamay ko kung kaya't naiiyak akong napatingin sa kanya.
"Ginusto mo din naman ang nangyari, ikaw pa nga ang unang humalik sa akin at naghu---" agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa sinasabi niyang mas lalong nagbibigay ng kilabot sa akin kung kaya't napatahimik ito.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Tarihi KurguSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...