KINABUKASAN ay maaga na akong umalis sa bahay ni Miguel. Hindi ko talaga inakala na may sarili na din pala siyang bahay dito sa Katbalaogan. Kasama din niya si Ginang Sita na siyang katiwala niya. Siya din yung nagpalit ng damit sa akin kagabi kaya lubos akong nagpasalamat dito.
Marami din yung pasyente ni Miguel sa ngayon kung kaya't abala siya. Ipinahatid niya nalang din ako sa kutsero nila pero sinabi ko dito na sa simbahan nalang ako. Na miss ko na din kasi si Ginang Theresa at sobrang tagal na ng huli kaming nagkausap at nagkita.
Pagkarating sa simbahan ay agad na akong nagpasalamat sa kutsero bago umalis. Nagtanong tanong ako sa mga sakristan kung nasaan si Ginang Theresa pero sinabi lang nila na hindi nila ito kilala. Bagsak ang mga balikat ko ng papauwi na ako sa bahay. Wala akong cellphone or address manlang kung nasaan na siya. Hayst. Ginang Theresa where na u?
Pagkauwi ko din ay sinabi sa akin ni Carding na kahapon ay iniwan niya nalang sa opisina ni Manuel yung pagkain dahil wala daw ito doon. Sinabi niya na busy siya sa pagaasikaso ng mga papeles pero hindi naman pala. Abala siya sa pakikipaglandian, diba sanaol.
LUMIPAS na ang ilang linggo pero wala pa ding bagong nangyari. Nanatili lang ako sa silid ng bahay ni Manuel at hindi na nagabalang lumabas.
Ilang linggo ko na din siya hindi nakikita dahil iniiwasan ko talaga siya lalo na kung nandito siya sa bahay. Ipinagbilin ko kin kay Carding na sabihan ako kung umalis na si Manuel. Siya yung nagsisilbing look out ko at pinapakatok ko siya ng limang beses sa pinto ng silid ko kung wala na ito sa bahay o umalis na kung kaya't ito ang nagiging tagpo namin araw- araw.
Araw ng lunes ngayon at ikalabing-dalawang araw ng Marso kung kaya't ngayon na gaganapin ang Seremonya sa paganunsiyo ng susunod na Alkalde ng Katbalaogan.
Tanaw na tanaw ko din sa bintana yung mga kasambahay sa baba na siguro ay kinuha ni Manuel para ayusin yung buong kabahayan para sa gagawing selebrasyon mamaya, matalo man o manalo. Gumawa din ng makapal na usok sa gawi ng hardin dito na kung saan ay naroon ang ilang kalalakihan na siyang nagleletchon ng baboy. Naroroon din si Tatay Tiago at tumutulong.
Panay lang ang kaskas ko sa gitara na siyang pagmamay-ari ni Miguel. Hiniram ko ito sa kanya bilang libangan kung kaya't hindi ako nabagot sa pamamalagi ko sa silid na to. Nandito din palagi si Mingming at katabi ko siya palagi sa higaan. Tinahian ko din ito ng damit kung kaya't sobrang cute na nito. Minsan din kapag nababagot na ako ng sobra ay nakikipaglaro lang ako sa kanya ng habulan sa loob ng silid.
Napatigil ako sa pagpapatugtog ng maanigan ko sa baba si Manuel. Tumingin ito sa gawi ng bintana ko kaya agad akong napatago. Bumilis yung tibok ng puso ko kaya tumigil nalang ako sa paggitara at nagpasyang humiga nalang sa kama.
Sobrang abala nilang lahat sa baba. Wala din akong balak na lumabas ngayon lalo na't andiyan pa si Manuel. Hindi ko siya kayang harapin. Sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik lahat sa akin ang alaala nila ni Corazon.
Ilang oras pa akong nakahiga at nagpagulong gulong sa kama pero hindi talaga ako makatulog kung kaya't kinuha ko nalang yung kwadernong ibinili ko noon at ang pluma. Napagpasyahan kong sulatan nalang ng liham si Corazon sa bawat araw na pamamalagi ko dito, in case na biglang mawala ako at maibalik sa panahon ko.
Dear Corazon,
Normal lang naman ang mapagod pero sana'y hindi ka sumuko. Pwede ka namang magpahinga pero sana ay hindi mo wakasan ang iyong hininga para lang makatakas sa problema. Sadyang mapaghamon nga ang mundo, sana'y huwag kang magpatalo. Lahat tayo ay may pinagdadaanan pero iba-iba tayo ng paraan para lumaban.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...