MAGHAHAPUNAN na ngunit wala pa din akong balak na lumabas. Bahala siya sa buhay niya! Hindi ko pa din inaayos yung mga gamit ko dahil baka kung ano lang yung mangyari like yung awayin niya ako kaya hindi na ako magdadalawang isip na manatili dito at maglayas nalang.
Aaminin ko sobrang bagal ng oras habang nakahiga lang ako sa kama. Sobrang boring talaga! Ayoko ding lumabas dahil baka makita ko siya. Naaasar ako sa pagmumukha niya kahit wala siyang ginagawa.
Siguro naiinis ako sa kanya dahil sa sinabi niya na para kay Corazon. Duh! Hindi ako papayag na ganyanin niya lang si Corazon. Ako lalaban alang-alang sa kanya.
Napatayo ako nang maalala ko yung bag na binigay sa akin ni Donya Solidad na siyang may pera. Kinuha ko ito at agad na binuksan. Maraming pilak ang laman nito at alam kong na sa bawat isa ng pilak ay sobrang dami na ng mabibili ko. Naisipan ko din na tumakas nalang dito at doon nalang sa labas kumain.
Tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin at agad na napangiti habang hawak pa din yung panyo ni Miguel dahil sinisipon talaga ako.
Agad na din akong lumapit sa bintana at tinanaw kung pwede ba akong makababa doon. Napangiti nalang ako ng makitang makakadaan ako kahit na medyo nakakatakot kasi sa isang mali ko lang ay pwede akong mahulog.
Inihulog ko muna yung sapin ko sa paa at tinaas na yung saya ko para makasampa na ako sa gilid ng bintana. Dahandahan akong bumaba doon at muntik pa akong hindi makaapak sa gilid ng pader dahil sa pagluslos ng saya ko.
"Yeyyy!" Napatakip nalang ako ng bibig at masayang sinuot yung sapin ng paa ko ng tuluyang makababa ako. Dahan dahan na akong naglakad papalabas ng gate. Sinigurado ko talaga na hindi ako makagawa ng tunog at hindi naman ako nabigo dahil nakalabas ako ng hindi niya nalalaman.
Masaya kong nilakad yung daan papaalis doon. Hindi ko din mapigilan ang sarili na pagmasdan yung magandang tanawin na sa ngayon ay pinapalibutan ng mga punkng kahoy at sari-saring mga halaman.
Nang marating ko yung dulo ay bumungad na sa akin ang mga walang tigil na mga kalesa at karumatang nagyayao't dito. Samu't sari din ang mga tao, mga kargador, mga naglalako ng paninda at ang mga tindahan. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang karitong hila ng mga kalabaw.
Mga baku-bako pa din ang kalsada at hindi aspaltado kaya't lubhang malubak kapag tag-ulan at maalikabok kapag tag-araw.
Patuloy pa din akong naglakad at napapahinto minsan sa mga bangkita para tignan yung mga tinda nila. Nagtitingin-tingin lang ako at walang balak na bumili dahil sa lahat ng mga tinignan kong tinda ay mayroon na yun si Corazon.
Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam na ako ng gutom. Saktong-sakto lang dahil sa di kalayuan ay nakatanaw ako ng isang karindirya na kung saan ay madami ang kumakain doon.
Yung bulalo nalang ang pinili kong ulam at kanin. Nabanggit ko pa yung 'extra rice' kaya napakunot-noo yung tindera dahil sa sinabi ko.
"Bulalo din po ba ang inyo Señor?" napatingin ako sa katabi ko ng mainip ako sa kakahintay ng order ko.
Kapwa kami nagulat ng makilala ang isat-isa.
"Anong ginagawa mo dito?" sabay naming tanong ni Manuel. Inirapan ko nalang siya at agad na umiwas ng tingin.
"Narito na po binibini" saad nung tindera sa akin sabay lapag ng inorder kong pagkain sa tray. Babayaran ko na sana ito ng unahan ako ni Manuel kaya mas lalo akong nairita sa kanya at hinarap siya.
"Excuse me? May pera po ako Señor Mig--- este Manuel. See? Hindi ako pulubi" Saad ko sabay pakita sa kanya ng perang dala ko pero hindi lang ako nito pinansin.
Inis ko nalang kinuha yung tray at agad na umupo doon sa isang bakanteng mesa na may iisa lang na upuan. Duh! Ayoko siyang makasama.
Kakain na sana ako ng biglang may maglapag ng tray sa harap ko. Napabusangot nalang ako habang nakatingin kay Manuel. Hindi nito napansin ang masama kong tingin dahil sa paghingi niya ng upuan sa tindera at pagbalik niya sa mesa ko ay agad na itong umupo.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...